Chasing 16

20 0 0
                                    


Lyrae/Faith's POV

Gabi na ng makauwi ako sa amin. Nagpalit lang ako ng damit ko at nahiga na. Pipikit ko na sana ang mga mata ko ng tumunog ang cellphone ko.

From: Travis
Im infront of your house.

Napakunot ang noo ko ng mabasa ko yun. Ano naman kayang kailangan nun ngayong dis oras ng gabi ?

Binuksan ko ang gate ng bahay namin at nakita ko si Travis na nakapamulsa at nakasandal sa sasakyan niya.

"Travis..." tawag ko sa kaniya.

Lumingon siya saken pero parang natigilan siya ng makita ako. Nahiya naman ako ng tignan niya ako mula ulo hanggang paa. Napataas ang kilay ko ng ngumisi siya.

"Anong nginingisi ngisi mo diyan lalaki ka ?" Pinagcross arms ko ang kamay ko. Hinaplos niya ang batok niya at lumapit saken.

"You dont have to do makeover because for me your enough.." nag init naman ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Si Tita kasi eh.." nakanguso kong sabi sa kaniya.

"Halika nga dito payakap ako namiss kita eh" hinila niya ang braso ko at niyakap ako ng mahigpit. "Si Mom talaga mang aagaw" natawa naman ako sa sinabi niya at hinampas siya sa likod na kinahalakhak niya.

"Ang bait kaya ni Tita.." pagtatanggol ko kay Tita. Bumitaw siya sa yakap at inakbayan ako.

"Tsss"

"Ang sungit mo sa Mama mo!" Suway ko sa kaniya.

"Until now shes my biggest rival to you.." masungit nitong sabi na kinatawa ko. Hindi ko naman mapigilang pisilin ang pisngi niya ang cute niya kasi kapag nagsusungit.

"Ang cute talaga ng boyfriend ko.." inirapan niya lang ako.

"Im not cute Im hot.."

"Tss ang choosy mo sa adjective ha ! Oh sya umuwi ka na, delikado na sa daan oh. Papasok na ko ha.." maglalakad na sana ako ng hilahin niya ako at niyakap ako sa bewang ko.

"Ano ba papasok na ko. Umuwi ka na" ngumiti lang siya saken at mas hinigpitan ang yakap niya.

"Lets stay for a while like this.."

"Haiyst naku, umuwi ka na. Maaga ka pa bukas..." ngumuso lang siya saken na kinairap ko. "Para kang bata.."

"Basta baby mo.." nakangising sabi niya. Nag init naman ang pisngi ko sa sinabi niya. "I love it when you blushing because of me.."

"Psshh.." pagtataray ko. Napairit ako ng bigla niya akong kilitin. Hinampas ko naman ang kamay niya kaya tumigil siya.

"Your cute.." inirapan ko lang siya. "Okay, Okay before I go, give  me first a kiss.." nginuso niya ang lips niya. Tumingkayad ako at binigyan siya ng halik. Bibitaw na sana ako ng hinawakan niya ang batok ko at mas pinalalim ang halikan namin.

Hindi ko namalayan na sumasabay na pala ako sa halik niya at gumaganti. Parehas kaming nag hahabol ng hininga nang matapos ang halikan namin.

"I love you Faith..."

"I love you too Travis..."

~~~~~~~~

"WOW ANG GANDA DITO TRAVIS !!!" Tuwang tuwa kung sabi ng makarating kami sa Palawan. Ngayon kasi ang company outing nila eh.

Grabe talaga ang ganda dito sa Palawan. Pinong pino ang mga buhangin na parang pulbos at ang dagat asul na asul.

Pinikit ko ang mga mata ko at tinaas ang mga  kamay ko upang damhin ang sariwang hangin nang maramdaman kong may yumakap saken mula sa likod. Amoy palang nito alam ko ng kung sino.

"Im glad you like it.." pinatong niya ang baba niya sa balikat ko.

"Ang ganda talaga dito. Tara magswimming mamaya.." excited kong yaya sa kaniya na kinatawa niya.

"'Alright but we need to put first our laguage to our room.." natigilan naman ako sa sinabi niya. Hinarap ko siya at..

"M-Magkatabi tayong matutulog ?" Nauutal kong tanong sa kaniya.

"Dont worry babe wala akong gagawin na masama sayo pero kung gusto mo naman its an honor for me.." nakakaloko niyang sabi. Sinamaan ko naman siya ng tingin at hinampas siya sa dibdib niya. Pero ang loko hindi man lang nasaktan.

"Pilyo ka talagang lalaki ka.." mataray kong sabi sa kaniya na kinahalakhak niya. Hinila niya ako at hinalikan ako sa pisngi.

"Sayo lang naman ako pilyo eh.." nag init naman ang pisngi ko sa sinabi niya.

Third Person's POV

Nakaakbay si Travis kay Lyrae at halos isangga na niya ang kaniyang katawan sa babae. Pano ba naman pinagtitinginan ng mga kalalakihan si Lyrae. Sino ba naman ang hindi mabibihag kay Lyrae nakadenim short lang  at white backless croptop.

"Ano ka ba wag kang ganiyan parang pinapatay mo na yung mga lalaki sa tingin mo eh.." natatawa niyang saway sa lalaki.

"I told you not to wear that fucking clothes.." nakakunot nitong sabi.

"Wag ka ng magalit.." lambing niya sa lalaki.

"Ako lang dapat ang nakakita niyan eh.." pabulong na sabi nito pero sapat na para marinig niya. Nag init naman ang pisngi niya sa sinabi nito. Magsasalita na sana siya ng biglang...

"What are you lookin' at asshole ?!" Singhal ni Travis sa lalaking tumitingin sa legs ni Lyrae at kinuwelyuhan.

Agad namang naalarma si Lyrae .

"Travis tama na yan please.." awat niya dito. Marahas na binitawan ni Travis ang lalaki at binigyan ito ng nakakasindak na tingin.

Nag maamadaling umalis ang lalaki at mukhang takot na takot.

Hinarap naman niya si Travis na nakatiim bagang.

"Bakit mo naman ginawa yun ?"

"Tss he deserves that.." asik ni Travis na kinainit ng ulo niya.

"Travis hindi mo dapat ginawa yun." Pangaral niya sa lalaki ng hinarap siya nito.

"Ikaw na nga tong pinagtatanggol. Tss bahala ka na.." tumalikod na ito sa kaniya at naglakad na palayo.

"Travis" tawag niya dito pero hindi siya pinansin nito at nagtuloy tuloy lang.

Alam niyang may kasalanan din siya pero bakit naman ganun sakaniya si Travis. Nasasaktan siya sa sinabi nitong bahala na siya. Ang ibig bang sabihin nuon wala na itong pakealam sa kaniya.

"Travis .." susundan na niya sana ang lalaki ng mawala ito sa paningin niya.

"Lyrae .." napalingon siya doon at napakunot ang noo ng makita ang isang babae na nakangisi sa kaniya na para bang may masamang pinaplano.

"Charlene..."

To be continued ...

Chasing FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon