Third Person's POV"Charlene.." halos pabulong na sabi dito ni Lyrae. Nag cross arms si Charlene at iiling iling na tinitignan si Lyrae na kinanuot ng noo nito.
"Tsk. Tsk. Mukhang galit si Travis ah. Ikaw naman kasi, baka naman gusto mo talagang binabastos ng mga lalaki.."
Nag init ang dugo ni Lyrae sa mga binitawang salita nito. Napakuyom siya ng kamao upang magtimpi.
"Hindi totoo yan" madiin niyang sabi.
"Oh really ? Sabagay bakit mo nga naman aaminin di ba ?" Humalakhak pa ito na lalong kinainit ng dugo niya. Pero naisip niyang hindi pala dapat siya magpatalo dito.
Nagcross arms din siya at taas noong hinarap si Charlene.
"Hindi ako ganung klaseng tao. Yung tipong hahamakin na ang lahat ng taong gusto niya pero hindi naman siya gusto. Tulad ng iba diyan..." nakangisi kong sabi sa kaniya.
"Ako bang pinapatamaan mo.." nakataas kilay na sabi nito. Ngumiti lang si Lyrae at...
"Bakit natatamaan ka ? " inirapan siya ni Charlene at tinulak.
"Sabihin na nating gusto ko si Travis at alam kong balang araw magigising din siya sa kahibangan niya sayo.." nakangising sabi ni Charlene.
Ah gusto pala niya ng ganiyang laban ha - aniya sa isip ni Lyrae.
"Eh ang tanong gusto ka ba niya? at isa pa atleast ako mahal ni Travis eh ikaw friendzone ?" Nakakalokong sabi ni Lyrae at humalakhak pa. Napatigil siya sa pagtawa ng mahigpit na hinawakan ni Charlene ang braso niya.
"Hindi totoo yan ! Hindi man ngayon pero sinisigurado ko na mapapasakin si Travis !" Parang baliw nitong sabi at umalis na.
Hindi alam ni Lyrae ang magiging reaksiyon niya sa tinuran ni Charlene. Parang bigla itong nag iba. Parang baliw, Parang walang pinipiling babanggaing tao.
Napailing na lang si Lyrae at nagsimula ng maglakad pauwi sa hotel pero pakiramdam niya pabalik balik lang siya.
"Naliligaw na ata ako..." malungkot na bulong ni Lyrae sa sarili.
Hindi na niya napigilang mapaluha, mukhang pinabayaan na siya ni Travis.
Samantala kahit na masama ang loob ni Travis kay Lyrae hindi naman niya kayang magalit ng matagal sa babae at higit sa lahat hindi niya kaya itong pabayaan.
Iniwanan muna niya si Lyrae upang ikuha ito ng balabal. Para naman hindi masyadong makita ang dapat siya lang ang makakita.
Pero nang nakabalik siya, sa hindi niya mapaliwang na dahilan bigla siyang kinabahan.
"Faith..."
Walang Lyrae na nagpakita sa kaniya. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya. Natitiyak niya na sa mga oras na to tiyak na takot na takot na ang babae lalo pat hindi ito pamilyar sa lugar nato.
"Excuse me did you see a girl, shes wearing a white croptop and denim short. She have a fair skin and shes beautiful?"
Pagtatanong niya sa mga nakakasalubong niya. Pero pareparehas lang ang mga sagot ng mga ito kundi ang iling.
Kinuha niya ang cellphone at nagmamadaling kinontact ang babae pero napahampas siya sa ulo ng maalalang nasa kaniya pala ang cellphone nito.
Samantala naisipan ni Lyrae na pumunta na lang sa may dock. Napayuko na lang siya at napayakap sa sarili.
"Maggagabi na pero hindi parin ako hinahanap ni Travis. Ang ginaw ginaw na.." maluha luha niyang sabi habang mahigpit na niyayakap ang sarili.
Napatingin siya sa karagatan at napabuntong hininga.
"S-Sorry Travis alam ko namang pinoprotektahan mo lang ako eh.." napaiyak na si Lyrae pero napatahan siya ng biglang kumirot ang ulo niya.
Parang binibiyak ang ulo niya sa sobrang sakit. Napahawak siya sa nakitang kawayan at kumuha ng lakas doon dahil pakiramdam niya bibigay na ang tuhod niya.
"A-Ang s-sakit.." nahihirapang daing niya. "T-Travis n-nasan ka na-AHH!"
Bigla siyang nawalan ng balanse kaya naman bumagsak siya sa dagat. Pinilit niyang iahon ang sarili niya ngunit hinihila siya nito pailalim. Nakakainom na rin siya ng tubig. Tinambol ng kaba at takot dahil sa posibleng mangyari sa kaniya.
Katapusan niya na ba ito..?.
"T-Tulong !" Kahit na nahihirapan pinilit niya pa ding sumigaw sa pagbabakasakali na may tumulong sa kaniya.
Nararamdaman niya na ang pagod ng katawan niya at kinakapos na din siya ng hininga.
Hanggang dito na lang ba siya ?
"T-Travis ..."
At nilamon na siya ng kadiliman.
To be continued ...
BINABASA MO ANG
Chasing Faith
RomanceKilalanin sina Travis at Faith kung paano nila haharapin ang mga pagsubok nang tadhana. " No matter how big the world is, if we are meant to be together, love will lead us to be together."