Chasing 26

27 0 0
                                    


Third Person's POV

Tatlong araw na lang ay kasal na nila ni Travis at tatlong araw niya na din na hindi ito nakikita. Tumagilid si Lyrae ng higa sa kama at kinuha ang cellphone at tinitigan ang litrato ng lalaki na wallpaper niya sa kaniyang cellphone. Marahan niya itong hinaplos at hinalikan.

"Miss na kita... namimiss mo rin ba ako ?"

Sabi kasi ng Mama niya at ng Mommy ni Travis ay wag muna daw dila magkikita. Pamahiin daw iyon.

Sumunod na lang sila. Wala namang mawawala eh, kung susunod sila. Napatingin siya muli sa kaniyang cellphone ng tumunog iyon.

Unknown Number:
Meet me at Eastwood. I will show you something...

Napakunot ang noo ni Lyrae ng mabasa ang mensahe na iyon sa hindi kilalang numero. Pero sa hindi mapaliwanag na bagay  may nag uudyok sa kaniya na puntahan iyon.

Dali dali siyang gumayak at pumara ng taxi. Napahawak si Lyrae sa kaniyang dibdib ng biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso.

Nang nakarating siya sa Eastwood ay nagtaka siya ng wala man lang ni isang tao siyang nakikita. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan ang numerong nagpadala ng mensahe kanina pero patay ang cellphone nito.

"Hindi kaya prank lang to ?" Tanong niya sa sarili. Ngunit aminin man niya o hindi kinakabahan siya sa posibleng mangyari ngayon.

"Siguro nga prank lang to.." naisipan niyang umalis na lang duon nang biglang may huminto na itim na Van sa harapan niya at niluwa noon ang mga kalalakihan na nakasuot na bonet na itim.

Agad naman na umusbong ang takot sa puso ni Lyrae. Tatakbo na sana siya nang mahagip ng isa ang kaniyang kamay at tinakluban ng panyo ang kaniyang ilong.

Hanggang sa nandilim na ang buong paligid niya.

~~~~~~~~~~~~

Nagising ang diwa ni Lyrae nang may biglang nagbuhos sa kaniya nang malamig na tubig. Agad siyang napamulat ngunit napakunot ang kaniyang noo ng mapag alaman na nakatali siya at nakapiring ang kaniyang mga mata. Hanggang sa maalaa niya na may dumukot sa kaniyang mga kalalakihan kanina. Muli namang nabuhay ang takot na nararamdaman niya kanina lang.

"S-Sino ka-kayo ? A-Anong kailangan niyo saken?" Kinakabahan niyang tanong sa mga ito. Narinig niyang may tumawa na bosed ng isang lalaki.

"Kami wala pero ang boss namin meron !" Narinig niyang sagot ng mga ito. Napakunot ang noo ni Lyrae sa sinabi ng mga ito.

"Sino ang boss niyo ?! Ipakita niyo siya saken wag siyang duwag !" Buong tapang na sigaw niya sa mga ito nang biglang may bumukas na pinto at may mainit na kamay ang humawak sa braso niya.

"S-Sino ka?" Ewan ba niya pero parang kinikilabutan siya sa paraan ng paghawak nito sa kaniya.

Lyrae/Faith's POV

"Hindi mo na ba ako natatandaan ?" Napakunot ako ng  tila pamilyar ang boses nuon saken. Halos mahigit ko ang hininga ko ng makilala iyon.

"G-Gabriel..." narinig ko ang mahinang pagtawa nito. Napaisod ako ng hinawakan niya ako. Dahan dahan niyang tinanggal ang piring ko at doon sumalubong ang mukha ni Gabriel na nakangisi saken.

"B-Bakit mo to ginagawa ? H-Hindi ba mag kaibigan kayo ni T-Travis ?" Tumayo siya at tuwa na parang nababaliw na. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na siya ang kumuha saken dahil sa lahat ng tao bakit siya pa ?

"Because I hate him ! I want to ruin him ! At magagawa ko lang yun sa pamamagitan mo !" Nag unahan ng tumulo ang aking mga luha. Natatakot ako sa posibleng mangyari kay Travis.

Chasing FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon