Chasing 24

24 0 0
                                    


Lyrae/Faith's POV

"Im sorry Lyrae but I need to fire you.."

"Ho?!  Bakit naman ho?  May nagawa po ba akong mali? "

Bumuntong hininga si Mam Leila at hinawakan ang balikat ko. Hindi ako makakapayag na matanggal ako sa trabaho ko. Ang hirap kaya ngayon na humanap ng bagong trabaho.

"Dahil po ba sa anak ni Mr.Dela Vega?" Lakas loob na tanong ko. Napakunot ang noo ko nang umiling siya.

Sa pagkakaalam ko siya lang naman ang may posibilidad na dahilan para matanggal ako. Kung hindi siya...

"Sino po? "

"Si Mr. Travis Dwane Monteverde. He said that if I did'nt let you go, he will get you forcely.." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"B-Bakit? " nagkibit balikat saken si Mam at nginitian ako ng malungkot.

"Ayoko kitang tanggalin Lyrae,  your one of the most precious employee that I have but Mr.Monteverde is a tycoon that hard to collide.." napayuko ako sa sinabi niya, totoo naman kasi yun mahirap banggain ang isang Travis Monteverde.

"Good bye for now Lyrae and goodluck.." ngumiti ako nang malungkot sa kaniya at nagbow sa huling pagkakataon.

Pagkalabas ko sa opisina ni Mam agad akong pumara nang taxi na nakita ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Travis.

"Sumagot ka Travis..." pero hindi niya ito sinasagot. Napakarami kong tanong na siya lang ang makakasagot. Bakit niya ako pinatanggal sa trabaho?  Kailangan ko tong malaman dahil alam ko na hindi gagawa nang mga hakbang na walang dahilan.

Lalo pang alam niya kung gaano kahalaga sakin ang trabaho ko. Muli kong tinawagan si Travis pero nanatili itong hindi niya sinasagot.

Napakunot ang noo ko nang mapansin kong hindi naman ito ang daan patungo sa kompanya ni Travis. Magsasalita na sana ako nang makaramdam ako ng pangingilo. Napahawak ako sa ulo , hanggang sa nagdilim na ang paligid ko.

~~~~~~~~~~~

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit nito. Unti unti kong minulat ang mga mata ko at napakunot ang noo ko nang makita ang hindi pamilyar na kwarto.

"Nasan ako? "

Naalarma ako nang maalala ang mga nangyari. Ang huli kong naaalala sumakay ako nang taxi.  Unti unting umusbong sa puso ko ang takot at kaba sa naisip ko.

"Hindi kaya nakidnap ako? " nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang sinabi ko. Agad akong tumayo at hinanap ang pinto palabas dito.

Nakalimang pinto na ako pero hindi pa din ako nakalabas. Bakit ba sobrang daming pinto sa kwarto na to?!

Hanggang sa makita ko na ang daan palabas. Wala na akong pakealam kung wala man akong sapin sa paa ang mahalaga makatakas ako dito!  Hindi ko na namalayan na pumapatak na pala ang mga luha ko.

Hanggang sa makababa ako nang hagdan. Nagulat ako nang biglang may pumatak saken. Pinikit ko ang mga mata ko at hinintay ang mangyayari saken.

"T-Teka bomba ba to?" Kinakabahang tanong ko. Unti unti kong binuksan ang mga mata ko at halos lumuwa ang mga ito sa nakita.

Sobrang daming mga white balloon na nagpapatakan. Napahawak ako sa tali ng kahuli hulihang lobo na babagsak na hugis durian. Ewan ko ba pero biglang bumilis ang tibok nang puso ko nang mabasa ang nakasulat sa papel na nakadikit dito.

' Why do I love you? Because I finally learned what the word means, and you were the one who showed me.'

"Travis..." nang mabasa ko ang sulat na iyon, isang pangalan lang ang naisip ko yun ay ang pangalan nang taong pinakamamahal ko. 

Chasing FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon