Lyrae/Faith's POVUnti unti kong binuksan ang aking mga mata at ang puting kisame ang bumungad saken. Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto at napahinga ako ng malalim ng mapag alaman na nasa hospital ako. Bigla akong napahawak sa aking tiyan ng maalala ko ang anak ko.
"Ang baby ko.." hindi ko na mapigilan na tumulo ang aking luha dahil sa takot na baka may nangyaring masama sa anak namin.
Nang bumukas ang pinto ng kwarto at niluwa nuon si Travis. Agad naman siyang lumapit saken ng makita niyang gising na ako.
"T-Travis..." halos pabulong kong sabi sa kaniya. Tumango siya saken at niyakap ako ng sobrang higpit.
"Shhh Im sorry kung iniwan kita... kasalan ko kung bakit nangyari to sayo.." naramdaman ko na lang na nababasa ang leeg ko, sinyales na umiiyak siya.
"Y-Yung anak natin?" Bumitaw siya sa yakap at hinawakan ang dalawang kamay ko.
"Ligtas na siya.." napaiyak naman ako sa sinabi niya. Napaiyak ako dahil sa saya na walang masamang nangyari sa anak namin. Nang maalala ko si Charlene. "What's wrong ?" Nag aalala niyang tanong.
"Si Charlene ?" Bumuntong hininga muna siya bago sumagot.
"Shes dead.." natigalan ako sa sinabi niya.
"D-Dahil ba saken?" Ako ba ang nakapatay kay Charlene ? Napatay ko ba siya nung hinampas ko siya ng flowervase ?
"Shh wala kang kasalanan. She deserved it and besides she fought against to the police.." yumuko na lang ako at marahang tumango sa kaniya.
Naramdaman kong niyakap niya ako ng mahigpit at napapikit naman ako ng halikan niya ako sa buhok ng mariin.
"Huwag mo na akong tatakutin ng ganun ha ? Para kasing mamamatay na ako.." tumango na lang ako sa kaniya at niyakap din siya.
Naramdamam kong marahan niyang hinaplos ang tiyan na kinangiti ko.
"Thank you for being strong baby.." hinalikan niya ang tiyan ko at nag angat ng tingin saken. Hinawi niya ang mga buhok na humaharang sa mukha ko. Napapikit ako ng masuyo niyang hinaplos ang mukha ko.
"If something bad happen to you, I didnt know what to do. I didnt know how to start again. I didnt know if I can continue my life. When I saw you dying, I felt something has prick in my heart. " nakita ko ang pagpatak muli ng mga luha niya. "Theres a lot of things that enter in my mind... but when the nurse said that your heartbeats came back.. nabuhayan ako ng loob. Huwag mo na akong iiwan muli ha ? Hindi ko kasi alam ang gagawin kapag nangyari yun.." sunod sunod na tumango ako at niyakap siya ng mahigpit nang biglang sumakit ang kaliwang dibdib ko na may tama kaya naman napahiwalay ako sa kaniya.
"What happen ? May masakit ba sayo ?" Sunod sunod na tanong niya. Umiling na lang ako at ngumiti sa kaniya.
"Mahal na mahal kita.." nakita ko naman ang pagsilay ng ngiti sa kaniyang mga labi.
"Mas mahal kita..." magsasalita pa sana ako ng halikan niya ako ng mariin. Napahawak na lang ako sa leeg niya at naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko. Malugod kong tinuguan ang halik niya.
Parehas kaming hinahabol ang aming mga hininga ng matapos ang aming pinagsaluhan na halik.
"Lets sleep... hindi ka pwedeng mapuyat baka magka eyebag si baby.." natawa naman ako sa sinabi niya.
Humiga siya sa tabi ko at marahan akong hinila. Inilagay ko ang ulo ko sa dibdib niya. Naramdaman ko naman ang isang kamay niya na nakapulupot sa bewang ko at ang isa ay marahan na hinahaplos ang tiyan ko. Napangiti naman ako sa ginagawa niya.

BINABASA MO ANG
Chasing Faith
RomanceKilalanin sina Travis at Faith kung paano nila haharapin ang mga pagsubok nang tadhana. " No matter how big the world is, if we are meant to be together, love will lead us to be together."