Chasing 6

21 0 0
                                    


Lyrae/Faith's POV

"Lyrae anak may papakita ako sayo. Halika anak.." nakangiting yaya ni Mama saken kaya naman sumunod ako sa kaniya.

Pumasok kami sa isang kwarto na puno na all white and pink at puro mga sticky notes. Binasa ko ang isang sticky notes at ewan ko ba pero napangiti ako ng mabasa yun.

' Love is not how much you say I love you but how much you can prove that its true.'

"Kanino po itong kwarto ?"

"Ito ang kwarto mo anak. Halika maupo tayo may papakita ako sayo." Umupo ako sa kama at tumabi naman siya saken.

"Ma ano po yan ?" Ngumiti siya saken. Kahit na hindi ko siya maalala ramdam ko, ramdam ko na siya ang babaeng nagsilang saken dito sa mundo.

"Ito ang photo album mo nung maliit ka pa ?" Naexcite naman ako sa sinabi ni Mama. Gusto ko kasing makita kung ano ang itsura ko dati eh.

"Ito yung baby picture mo.." turo saken ni Mama. Napangiti ako ng makita ang isang nakapikit at nakangiting sanggol. Pero napakunot ang noo ko ng mapansin kong may lalaking kamukha ko.

"Sino po to?" Turo ko dun. Nagpakawala muna ng isang buntong hininga si Mama bago magsalita.

"Siya ang Papa mo anak.."

"Nasan na po siya ? Bakit hindi ko po siya nakikita dito ?" Sunod sunod na tanong ko. Gusto ko kasing makita si Papa.

"Anak patay na ang Papa mo simula nung nag 10 years old ka.." malungkot na sabi ni Mama. Pakiramdam ko may tumusok sa puso ko ng malaman ko yun. "Namatay ang Papa mo dahil sa brain tumor. Nung una nilihim niya saken yun, ayaw kasi ng Papa mo na may nag aalala sa kaniya. Hes a selfless father and husband." Nakita kong may pumatak na luha sa mga mata ni Mama. Hinawakan ko ang kamay niya na para bang sinasabi na nandito lang ako at hindi ko siya iiwan.

"Ni minsan sa buhay ko, sa buhay nating mag ina hindi niya pinaramdam na hindi niya tayo mahal. Nalaman ko lang na may brain tumor ang Papa mo dahil aksidente kong  nakita ang mga gamot niya. Umiyak ako nun ng umiyak pero ang Papa mo ngumiti lang siya at sinabing gusto niya tayong mayakap bago siya mawala. Hindi ko alam na iyon na pala ang huling beses na makikita ko ang ngiti niya." Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Niyakap ko si Mama ng mahigpit at doon siya humagulgol.

"Huwag kang mag aalala Mama hinding hindi na ako mawawala. Mahal na mahal kita" hinaplos haplos ko ang likod ni Mama.

"Mahal na mahal din kita anak"nakangitin sabi ni Mama saken.

Matapos ang kwentuhan namin ni Mama ang dami kong nalaman tungkol saken. Faith Lyrae pala ang buo kong pangalan. Lahat sila ang tawag saken Lyrae at si Travis lang daw ang tumatawag saken ng Faith ewan ko ba pero aminin ko man o hindi kinilig ako ng malaman yun. Matanda pala saken ng dalawang taon si Travis at graduate pala ako ng Photographing.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako ng maramdaman kong may humalik sa noo ko. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at bumungad saken ang nakangiting mukha ni Travis.

"Sorry kung nagising kita..." umiling lang ako at umupo.

"Travis salamat.. Maraming salamat kung hindi dahil sayo hindi ko makikilala kung sino ako, kung hindi dahil sayo hindi mabibigyan ng sagot ang mga katanungan ko. Salamat kasi hindi ka napagod saken.." hinawakan niya ang mga kamay ko at masuyong hinalikan na kinangiti ko.

"Never in my life that I will give up on you. I'd promise you that..."

"Patawarin mo ko kung hindi kita matandaan." Napabuntong hininga siya bago ngumisi na kinanuot ng noo ko.

"You fell inlove with me so I have a very big confidence that you will fall again with me" napairap naman ako sa sinabi niya. Pero aaminin ko kinilig ako.

"S-Sari sari..." namumula kong sabi. Tumawa lang siya at pinisil ang pisngi ko na kinadaing ko. "A-Aray...!" Sinamaan ko siya ng tingin pero siya tumawa lang.

"May alam akong gamot para gumaling yan.." napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Ano naman yun ?"

"This..." nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Hinalikan niya ako sa pisngi ko. "Kissperin to remove your pain.." nakangising sabi niya.

"A-Ano ba ?!" Nauutal kong sabi. Niyakap niya ako at paulit ulit na hinahalikan ang pisngi ko na para bang nanggigigil siya.

ANO BA TO ?! KINIKILIG NA TALAGA AKO ! MGA KATROPA !

"Ehem..." napalingon kami sa pintuan at napakita namin si Mama na may nakakalokong ngiti.

Haiyst nakakahiya kay Mama ! Oh lupa eat me please !!

"M-Mama..." nakayukong sabi.

"Haiyst kayo talaga Tita dapat kasi kumatok muna kayo nahihiya tuloy ang babe ko." Natatawang sabi ni Travis na kinatawa ni Mama.

"Oona sa susunod kakatok na ako baby girl.." hindi ko na talaga kaya ang hiya kaya nagtalukbong ako ng kumot.

Lalo naman silang natawa sa ginawa ko.

Haiyst ano ba yan ?! Ang lantod kasi ni babe ko eh neheheye teley eke !!!!

To be continued ...

Chasing FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon