Third Person's POV"Asawa ko kuha mo nga ako ng tubig.." utos ni Lyrae kay Travis na kasalukuyan na nagbabalat ng mansanas. Isang linggo na rin ang nakakaraan simula nang makalabas si Lyrae sa hospital.
Tumayo si Travis at kumuha ng malamig na tubig sa ref.
"Oh.." inabot niya kay Lyrae ito.
"Ano yan ?" Kunot noo na tanong nito.
"Tubig ?" Napairap si Lyrae sa sagot nito.
"Alam kong tubig yan ! Ang ibig kong sabihin bakit malamig ?! Gusto ko maligamgam ! Maligamgam !" Napakamot na lang si Travis sa ulo at muling bumalik sa kusina at kumuha ng maligamgam na tubig.
"Oh" inabot niya dito ang maligamgam na tubig.
"Ano yan ?"
"Maligamgam na tubig. Hindi ba yun ang gusto mo.." nagtitimping sagot ni Travis.
"Oo gusto ko yan. Pero nasan na yung tubig na malamig ?" Nakapamewang na tanong sa kaniya ni Lyrae.
"Nasa kusina.." sagot niya. Napapikit siya ng sumigaw si Lyrae.
"ANO ?! WALA NAMAN AKONG SINABING IBALIK MO AH ! KUNIN MO !" Napabuntong hininga na lamang si Travis tanda ng pagsuko at nagtitimping bumalik sa kusina.
Kinuha niya ang tubig na malamig at dinala kay Lyrae.
"Oh ayan malamig at maligamgam." Napahinga naman ng maluwag si Travis ng hindi na umimik pa si Lyrae. Baka kasi mamaya utusan na naman siya nito. Muli siyang tumabi dito at pinagpatuloy ang pagtatalop ng mansanas.
"Asawa ko bakit kaya si superman nasa labas ang brief ?" Napaubo si Travis dahil dito.
"What did you asked that kind of question ?" Naiiling na tanong ni Travis.
"Kasi hindi ba matalino naman si Superman. Bakit hindi niya alam ang tamang pagsusuot ng brief ?" Napabuntong hininga na lamang si Travis. Kailangan mong magpasensya.. sagi sa isip ni Travis.
"Because it was based on the description of the character.." napatango tango na lamang si Lyrae. "Here eat this.." binigay ni Travis dito ang nabalatang mansanas.
"Wala bang suka ?"
"What ?" Kunot noong tanong niya dito.
"Masarap kasi to kapag sinasawsaw sa suka.." parang masusuka si Travis sa sinasabi ni Lyrae.
"Wife baka sumakit ang tiyan mo.."
Hunalukipkip si Lyrae at tinaasan nang kilay di Travis.
"So sinasabi mo na basura ang kinakain ko?" Naalarma si Travis nang biglang nagtubig ang mata ni Lyrae.
"Oona kukuha na ako !" Pumunta na lang siya sa kusina at ginawan ng sawsawan na suka ang asawa. Kesa naman ngumangalngal pa ito.
Lyrae/Faith's POV
Nagising ako nang makaramdam ako ng parang may humahalukay sa tiyan ko. Agad akong tumayo at nagtatakbo sa CR namin. Binuksan ang bowl at duon nilabas ang mga kinain ko. Nang maramdaman kong may naghahagod ng likod ko. Nanghihinang nilingon ko yun at nakita ko si Travis na nag aalalang nakatingin saken.
"Are you alright ? Do you want me to send you to hospital ?" Umiling na lang ako.
"But-"
"Walang nahohospital dahil lang sa morning sickness.." putol ko sa kaniya.
Inalalayan niya akong tumayo at dinala sa sink. Dahil sa sobrang panghihina na nararamdaman ko. Siya na din ang naghilamos ng mukha ko.
"Nababasa ka na..." nanghihina kong sabi.
"Its okay wife.." nakangiti niyang sabi. Pumikit na lang ako at inamoy siya. Ang bango niya kasi eh.
Naramdaman ko na lang na binuhat niya ako at hiniga sa kama namin. Tumabi siya saken at niyakap ako mula sa likod.
"We're going to your ob gyne for your check up.." bulong niya saken. Napamulat naman ako dahil sa sinabi niya. "Come on. Get up.." yaya niya saken.
Ngumuso ako at tinaas ang kamay ko na para bang nagpapabuhat.
"Buhat.." nakanguso kong sabi.
"Aishh ang baby ko talaga.." natatawa niyang sabi kaya naman pati ako napatawa na lang din. Binuhat niya ako ng parang bata. Kumapit naman ako sa leeg niya para hindi ako mahulog. "Pasalamat ka mahal kita.." napangiti na lang ako. Namiss ko kasi yung line niya na yun eh.
"Mister and Misis okay naman ang baby ninyo. Ang totoo nga niyan malakas ang kapit ni baby. Iwasan lang ang maistress at pagod. Mister alagaan ng mabuto si Misis.."
"Kahit hindi mo sabihan yan ginagawa ko yan.." siniko ko si Travis kasi naman pabalang yung sagot niya.
"Pasensya na po doctora.." ngumiti lang siya saken.
"Its okay. By the way this is your prescription and make sure that you will always eat vegetables and also the fruits.." inabot niya yung reseta kay Travis.
"Doctora in any case, pwede pa ba kaming magsex ng asawa ko ?"
Biglang nag init ang pisngi ko dahil sa tanong ni Travis. Malakas na hinampas ko siya at sinamaan ng tingin.
"What ?" Inosenteng tanong niya.
"Marami nang nagtanong niyan saken Misis Monteverde. Ang masasabi ko lang pwede pa naman pero you should know your limit.." patango tango naman si Travis na kinairap ko.
"Doctora, di po ba kapag nangingitim ang nagbubuntis lalaki po. Tapos kapag naman gumaganda babae. Sa tingin niyo po ano po kaya ang anak namin ?" Gusto kong sakalin si Tavis dahil sa daldal niya. Pati ba mga pamahiin sinasabi niya.
Tumayo na ako at hinila na si Travis.
"Ah pasensya na po Doctora. Hindi po kasi nakatulog ng maayos ang asawa ko.." nahihiya kong sabi at hinila na si Travis.
"Last na doctora, kapag po ba tulis ang tiyan lalaki di po ba ?"
Hinila ko na si Travis at kinaladkad palabas. Haiyst nakakahiya siya !
Gabi na nang makauwi kami ni Travis. Pinanuod ko lang siyang umakyat pataas. Pumunta naman ako sa kusina at uminom ng tubig. Pagkatapos pumunta na din ako sa taas.
Natigilan ako nang makita si Travis na mahimbing na natutulog habang hawak hawak ang kaniyang ipod. Lumapit ako sa kaniya at kinumutan siya. Kinuha ko ang ipod niya at napasinghap ako ng mabasa ko ang nakalagay duon.
Nagsesearch siya tungkol sa mga pagbubuntis at kung paano maaalagaan ng maayos ang mga asawang nagbubuntis. Napangiti na lang ako. Dapat pala hindi ko siya kinahiya kanina. Para rin pala sa kapakanan ko ang ginagawa niya.
Marahang hinaplos ko ang pisngi niya at mariin na hinalikan siya sa noo. Napangiti ako nang makita kong tulog na tulog talaga siya.
"Salamat asawa ko sa pag aalalaga saken. Salamat dahil kahit laging malakas ang topak ko, iniintindi mo pa rin ako. Mahal na mahal kita .."
Tumabi ako sa kaniya at niyakap siya. Napangiti naman ako nang maramdaman kong niyakap niya din ako.
To be continued ...
BINABASA MO ANG
Chasing Faith
RomanceKilalanin sina Travis at Faith kung paano nila haharapin ang mga pagsubok nang tadhana. " No matter how big the world is, if we are meant to be together, love will lead us to be together."