Lyrae/Faith's POVMaaga akong pumasok sa MNL Magazine na pinagtatrabahuhan ko, ngayon ko kasi ipapasa ang project ko at confidence naman ako na tiyak na matutuwa sila.
"Oh Lyrae tapos muna yung project ?" Ngumiti siya kay Grace.
"Oo natapos ko na"
"Wow naman, alam mo bang niisa samin walang naglakas loob na tanggapin ang project na yun. Nakakatakot daw kasi si Mr.Montevede..." napatawa na lang si Lyrae sa sinabi ni Grace.
"Siya nga pala may sasabihin ako sayong mahalagang bagay.. "
"Ano naman yun ?" Bumuntong hininga muna si Lyrae bago magsimulang magsalita.
"Nahanap ko na ang totoong pamilya.." halos lumuwa ang mga mata ni Grace sa sinabi nito pero kalaunan napalitan ito ng ngiti. Masaya siya para kay Lyrae.
"Talaga ?! Pano nangyari yun ?! Anong ganap ?" Excited na pagtatanong nito.
"Basta nangyari na lang ng parang magic .." maiksing sagot ni Lyrae na kinatanga ni Grace.
"Magic... tss sabihin mo na pa-mysterious type ka pa eh !" Nagkibikit balikat na lang si Lyrae at dumiretso na sa opisina ni Miss Leila.
Third Person's POV
Seryosong nagbabasa si Travis ng mga proposals ng ibat ibang department ng kompanya nang bumukas ang pinto at niluwa noon ang nakangiting si Charlene.
"Lets eat outside Trav.." pagyaya nito sa kaniya. Hindi ito tinatapunan ng tingin ni Travis.
"You can eat by yourself.." napanguso naman si Charlene sa sinabi ni Travis at lumapit dito at tila minamasamasahe ang balikat ni Travis.
"Nakakawalang gana kapag walang kasama.."tila nag papaawang sabi nito. Napabuntong hininga lang si Travis, nang bumukas ang pinto at niluwa noon ang tila tuwang tuwang mukha ni Lyrae pero unti unting napawi yun ng makita si Charlene.
Palihim naman na napangisi si Charlene at mas lalong nilandian ang pagmasahe kay Travis na kinataas ng kilay ni Lyrae.
Nanggagalaiti siyang makita ang higad na to sa opisina ni Travis. Pero kailangan niyang magpigil, baka kasi mamaya niyan maisabit niya patiwarik ang higad na to.
Napangisi siya ng may pumasok na ideya sa utak niya para mapabitaw si Charlene kay babe niya.
"Hi babe ! Namiss kita !" Masayang bati ni Lyrae kay Travis, nag angat ito ng tingin at napangiti ng makita siya. Tumayo ito at lumapit sa kaniya.
"Kumain ka na ba ?" Tanong ni Travis sa kaniya, umiling lang siya bilang pagsagot. "You should not starve yourself, come on I'll feed you.."
"Para naman akong bata.." nakangusong sabi niya. Napatawa naman si Travis sa itsura nito, pinisil niya ang pisngi ni Lyrae na kinadaing nito.
"Bakit ba ang hilig mo laging pisilin ang pisngi ko ?!" Singhal ni Lyrae dito habang hinihimas ang pisngi niya. Tumawa lang si Travis at hinawakan ang pisngi niya.
"Oh ayan para hindi masakit, Kissperin to lessen your pain.." bago pa man siya makapagreact hinalikan na siya nito sa labi.
"Paraparaan ka eh ! Hindi naman ang labi ko ang masakit eh pisngi ko !"
"Tss Halika ka nga dito payakap ako" yumakap naman si Lyrae at napatingin kay Charlene na masama ang tingin sa kanila. Ngumisi siya dito at tinaasan ng kilay na para bang sinasabing 'ano lalaban ?'
BINABASA MO ANG
Chasing Faith
RomansaKilalanin sina Travis at Faith kung paano nila haharapin ang mga pagsubok nang tadhana. " No matter how big the world is, if we are meant to be together, love will lead us to be together."