Chapter 1.1 🌸

1.8K 42 4
                                    

EVEN if Lilac Salcedo knew na kailangan siya ng kanyang Kuya Seth sa Manila ay iniwan niya ito. She wanted to justify herself na mali ang pinsan na si Cy sa ibinalita sa kanya.

Na ang kanyang boyfriend na si Jaxon ay may ibang babae na kinalolokohan. If she proves na mali ang hinala ng kanyang pinsan talagang forever niya itong hindi kikibuin.

Pagkalabas niya ng airport ay agad siyang nagpahatid sa penthouse ni Jaxon. Hindi niya pinansin ang bumating guard sa kanya.

Tuloy-tuloy siya papuntang elevator. Pinindot niya ang 8th floor kung saan matatagpuan ang penthouse ni Jaxon.

Gusto niyang eh surprised si Jaxon kaya hindi niya ito tinawagan. Buo na ang kanyang desisyon na tanggapin ang inaalok nitong kasal sa kanya. Ilang taon na ba siya? Twenty-four na. She can still continue her modelling career kahit kasal na siya kay Jaxon. Bakit bigla siyang nakaramdam ng kaba nang bumukas ang pinto ng elevator?

Kakatok na sana siya nang matigilan naalala niya ang susing ibinigay ni Jaxon sa kanya. Gamitin niya lang daw ito if handa na siyang ipagkaloob ang sarili dito at pakasalan ito.

Ngunit talaga nga bang handa na siya? Hindi niya sinagot ang sariling katanungan. Ipinasok niya ang hawak na susi sa keyhole. Sandali muna siyang nag-isip bago tuluyan pihitin ang doorknob. Mahal siya ni Jaxon at handa na siyang mahalin ito habang-buhay.

Pinihit niya ang doorknob. Binuksan ang pinto, sabay pasok hila-hila ang kanyang dalang luggage. Darkness welcomes her. She grinds widely sa isip niya madilim kaya sigurado hindi pa nakaka-uwi si Jaxon. Agad niyang kinapa ang switch ng ilaw. Bumaha ang liwanag sa sala.

Natutop niya ang kanyang bibig nang humantad sa kanya ang nagkalat na mga damit. Natuklasan din niya na may pang-babae rin doon.

Hindi niya napigilan na makagat ang kanyang pang-ibabang labi. Sa isip niya di' kaya totoo ang mga paratang ng pinsan niyang si Cy?

Bigla siyang nakarinig ng mga kaluskos at anasan. Agad niya itong pinuntahan kung saan man ito nanggagaling. Sa isang silid siya nito itinuro. Kahit may kaba pinihit niya ang seradura ng pinto. Bumukas ang pinto. Sabay na lumingon ang dalawang nasa ibabaw ng kama.

Napaawang ang kanyang bibig nang makilala ang dalawang nasa ibabaw ng kama.

Si Jaxon at ang modelo niya na si Danille na kasalukuyang gumagawa ng pangalan sa larangan ng pag-momodelo.

"Lilac," gulat na sambit ni Jaxon sa kanyang pangalan.

While Danille grinds maliciously at her. "Hi! Lilac," she greets her as if nothings is going on at the moment. "Very nice seeing you again," she added.

Hindi niya natagalan ang mga tagpong nasaksihan kaya agad siyang tumalikod.

Parang sasabog ang kanyang dibdib sa sakit. Pakiramdam niya milyon-milyong karayom ang tumutosok sa kanyang dibdib. Kumukurap-kurap siya upang hindi matuloy ang luhang nag-uunahan ng tumulo sa kanyang mga mata

✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️

M👀dyAze's note ☕
٩(๛ ˘ ³˘)۶♥ Thank you for reading.
✔️ Please Like.
✔️ Please Vote.
💡 Also comment.

LILAC (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon