Chapter 2.7 🌸

805 17 0
                                    

"KILALA mo na pala talaga ako," pilit ang ngiting sagot niya.

"Sino ang hindi makakakilala sa isang tulad mo, Lilac Salcedo? Sikat na television commercial model." sambit nito.

"Nagmomodelo lang ako kapag walang makuhang talent," agad niyang katwiran. "Ako ang namamahala ng aming commercial agency." sagot niya.

"I know, sinabi sa akin ni Sky. Were been friends since college days." pabalik na sagot nito.

Napatitig siya dito. "Criminology din ang course mo?" takang tanong niya dito?

Umiling ito. "Business Management," agad nitong sagot.

"So papanong naging friends mo si Kuya Sky?" takang tanong niya.

"Minsan na niya akong tinulungan noon nang mapa-trouble ako sa mga siga sa Tondo," nakangising sagot nito.

Napatango siya. Humugot siya ng buntong-hininga at napatitig sa kaharap.

Nagtatakang napatingin din ito sa kanya. "Why?" takang tanong nito.

"Mahal mo pa rin ba si Danille?" tanong niya ulit dito.

"Hindi ko alam," naiiling nitong sagot.

"Mahirap nga siguro ang lumimot," daing niya.

"Huwag kang mag-alala para mawala ang lungkot mo ay ipapasyal kita bukas sa buong Hacienda," ang pangako nito sa kanya na may kasamang ngiti sa labi.

Napatango siya. "Salamat sa pag-ukol mo ng atensyon sa akin, Devlin." madamdamin niyang tugon dito.

Ngumiti ito sa kanya. Noon lang niya napansin na dumadalas na yata ang pangiti nito at pagkakawala ng tawa. Tama nga talaga si Yaya Conchita. Masayahing tao si Devlin. Naging bugnotin lang ito dahil sa ex-girlfriend nitong haliparot at malandi. Sa isip niya.

Tahimik na nagpatuloy sila sa pagkain. Nang matapos ay nagyaya ito sa porch upang magkape naman. Napansin niyang sabik sa kausap ang binata.

✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️

M👀dyAze's note ☕
٩(๛ ˘ ³˘)۶♥ Thank you for reading.
✔️ Please Like.
✔️ Please Vote.
💡 Also comment.

LILAC (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon