Chapter 1.3 🌸

1K 27 0
                                    

DAVAO airport. Agad siyang tumawag ng taxi at nagpahatid sa San Pablo Parish na nasa Talomo St. Mula doon ay sasakay pa siya ng jeep papuntang Hacienda Salvador.

"Ma'am sobrang malayo po iyon," ang sabi ng taxi driver.

Napasimangot siya. "Gamitin mo ang metro ng taxi mo at babayaran ko ang bawat patak niyan," inis kong sagot sa taxi driver.

"Ma'am wala na akong makukuhang pasaherong maisasakay galing doon at pabalik dito." ang nagpapaunawang sabi ng taxi driver.

Napangiti siya dito. Magalang kasi ang taxi driver na nagpaliwanag di' katulad ng taxi driver sa manila. "Babayaran ko po kayo ng doble," ang pangako niya dito.

"Maraming salamat po Ma'am," tuwang sabi nito. Tinulungan siya nitong ilagay ang mga maleta niya sa compartment ng taxi.

Ilang sandali pa at naglakbay na siya. Nang makarating siya sa San Pablo Parish church ay pumasok muna siya saglit. Taimting nanalangin. Nang lumabas siya sa simbahan ay meydo nabawasan ng konti ang bigat na dinadala ng kanyang dibdib.

Sumakay siya sa jeep na patungong Hacienda Salvador. Ilang sandali pa at naglakbay na siya ulit. Sa umpisang limang kilometro ay maayos pa ang daan pero nang nasa kalagitnaan na siya ng kanilang paglalakbay ay unti-unti nang naging hindi maganda ang daan. Halos lubak-lubak ang daan kaya todo kapit siya para hindi mauntog.

"Bago ka lang ba dito, Ineng?" ang tanong ng kanya ng isang matandang babae na kasakayan sa jeep.

"Opo," ang nakangiti niyang tugon.

"Sino ba ang pupuntahan mo sa Hacienda Salvador?" ang tanong ulit nito sa kanya.

"Ang aking Nana Conchita po na asawa ni Ramon Santi," agad niyang sagot.

"Ay bisita ka pala ni Ka Ramon," ang nakatawang sagot ng matandang babae.

"Maiba ako iha, ikaw bay artista? Tanong nito ulit.

Umiling siya. "Hindi po, nagtratrabaho lang po ako sa isang department store sa maynila bilang sales lady" ang pagsisinungaling niya.

"Ako si Willy," ang pakilala ng isa sa mga pasahero na kasabayan din niya sa jeep.

"Ako naman po si Lilac," ngumiti siya at agad din nagpakilala sa lahat.

Bawat isa sa mga sakay ng nasabing jeep ay nagpakilala sakanya. "Whew I never thought they are so friendly over here," sa isip niya. Si Nana Rosa lang ang kanyang natandaan dahil bibo at masayahin kasi ang matanda. Si Willy naman ang pinakabata sa grupo.

✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️

M👀dyAze's note ☕
٩(๛ ˘ ³˘)۶♥ Thank you for reading.
✔️ Please Like.
✔️ Please Vote.
💡 Also comment.

LILAC (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon