Chapter 6.1 🌸

697 17 0
                                    

"ANONG iniisip mo?" tanong sa kanya ni Nana Conchita.

"Nagtapat na si Devlin, Yaya at inaalok niya ako ng kasal," pagtatapat niya sa kanyang Yaya.

"Ano naman ang desisyon mo?" tanong nito habang naghihiwa ng gulay para isahog sa ulam nila ngayong gabi.

"Nalilito ako, Yaya. Sandali pa kaming magkakilala. Hindi ba masyado namang maaga para alukin niya ako ng kasal?"

Napatitig sa kanya si Nana Conchita binitawan sandali ang ginagawa. Umupo ito sa kanyang tabi.

"Pag-isipan mo munang mabuti ang magiging desisyon mo. Mahirap magsisi sa huli," payo nito.

Napatango siya. Tumayo at iniwan ang matandang babae. Lito ang isipang tinungo niya ang poolsite.

Naisipan niyang maligo. Nagmamadaling tinungo ang kanyang silid at nagpalit ng two piece red swimsuit.

Ilang sandali pa at nagpabalik-balik siya sa paglangoy.

___________________§§§__________________

"KUMUSTA ka na, Lilac?" tanong ng tinig buhat sa gawing likuran niya. Pagpihit niya ay muntik na siyang mawalan ng balanse sa paglangoy. Si Danille in a flesh. Bakit nandito ang babae.

"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong niya.

"Tagarito ako. Ikaw ang ginagawa mo dito?" gigil na tanong nito sa kanya.

"Dito ako nakatira ngayon," agad na sagot niya.

"So, ikaw pala ang nababalitaan kong bagong girlfriend ni Devlin," nakakalokong ngiti sa kanya.

Hindi siya umimik. "Kung si Devlin ang kailangan mo. Wala siya," sagot niya sa matigas na tinig.

"Nasaan siya?" tanong nito sa seryosong tinig.

"Pumunta ng hospital. Naaksidente si Declin," agad niyang tugon.

Napatango ito. "Babalik na lang ako." sagot nito.

"Ano ang kailangan mo kay Devlin, Danille?" usig niya sa babae.

Ngumisi ito sa kanya. "I want to go back here, Lilac. And I want him back. This place belongs to me." turan nito sa kanya.

Napailing siya. Hanggang kailan ba siya makikipagkompetensiya sa babae?

"Una niya akong minahal, Lilac. Mas matagal niya akong nakasama at minsang minahal." dugtong nito.

"Nagsawa ka na ba kay Jaxon at binabalikan mo si Devlin?" may panunuya sa tinig na tanong niya dito.

Nakita niya ang pagguhit ng galit sa mata nito. "Ang walanghiyang lalaking iyon. Matapos akong gamitin ay iniwan na lang akong bigla. Nang mawala ka, nawala na ring parang bula," galit na sabi nito sa kanya.

"Hanggang ngayon ay sariwa pa rin kay Devlin ang ginawa mo, Danille. Papayagan ka kaya niya uling mabalik?

"Maaring hindi pero ikaw, maari ka niyang iwan. Alam ba niyang ikaw ang girlfriend ni Jaxon?" may pang-iinsulto sa tinig na tanong nito kanya.

Natigilan siya sa narinig. Nawala sa loob niyang ipagtapat kay Devlin ang tungkol kay Jaxon. Hindi na kasi niya naalala ang lalaki.

"Sa palagay ko ay hindi pa," nakangising sabi nito at tumalikod na para iwan siya. Bigla siyang nalito.

Matamlay na umahon siya at nagpalit ng tuyong damit. Mamaya pagdating ni Devlin ay ipagtatapat niya dito ang totoo.

✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️

M👀dyAze's note ☕
٩(๛ ˘ ³˘)۶♥ Thank you for reading.
✔️ Please Like.
✔️ Please Vote.
💡 Also comment.


LILAC (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon