"MARUNONG ka bang mangabayo?" tanong ni Devlin kay Lilac.
Napatango siya. "Madalas ako sa Sangay. Kasama ko ang mga pinsan ko na nangangabayo."
Napangiti ito ng malapad sa kanya. Hinawakan siya sa kaliwang braso at tinungo nila ang kuwadra.
"Mamili ka kung sino ang gusto mong sakyan," sabi nito sa kanya.
"Mababait ba sila?" tuwa niyang tanong.
"Oo, pero itong si Lightning. Huwag mong sasakyan dahil ako lang ang kilalang amo niyan," sabi nito sabay turo sa itim na kabayo.
Inilabas nito ang isang puting kabayo. "Siya si Penny."
Inalalayan siya ni Devlin na sumakay kay Penny. Pagkatapos ay ito naman ang sumakay kay Lightning. Ilang sandali pa at magkasabay na nilang tinatahak ang malawak na Hacienda Salvador.
"Napakalaki ng Haciendang ito. Ikaw lang ba ang namamahala dito?" tanong niya sa binata.
"Kasama ko ang mga kapatid kong lalaki, si Revo, ang pangalawa, si Declin ang pangatlo, si Lexor ang pang-apat at si Drake ang aming bunso," mahabang sagot nito.
"Puro kayo lalaki?" nakangiting tanong niya.
"Oo, puro kami lalaki pero iba't-iba ang aming ina," sagot nito na nakatitig sa landas na tinatahak nila.
Maang siyang napatitig dito. Isang bahagi na naman ng pagkatao ni Devlin ang natuklasan niya. Hindi na siya magtataka kung bakit hindi niya nakikita sa mansyon ang mga kapatid nito.
"Bakit sinasabi ng lalaki sa kanya ang lahat?" saloob-loob niya.
Magsasalita pa sana siya nang nakita niyang dahan-dahan na ito sa pagpapatakbo. Ginaya niya ang binata.
Isang malaking kamalig ang tinungo nila. "Dito tayo manananghalian," nakangiting baling nito.
✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️
M👀dyAze's note ☕
٩(๛ ˘ ³˘)۶♥ Thank you for reading.
✔️ Please Like.
✔️ Please Vote.
💡 Also comment.
BINABASA MO ANG
LILAC (COMPLETED)
Romance👀Kapag nahuli mo ang iyong boyfriend na may ibang kinakalantari sa kama anong gagawin mo? A. Umiyak at Magsisigaw. B. Pagbuhol-buholin mo ang dalawa. C. Dedma walking. D. None of the above. E. Basahin niyo po para malaman. ☕ Novice writer po...