Last Chapter 💓

1.2K 35 5
                                    

TAHIMIK na nakatitig siya sa malinaw na tubig ng swimming pool. Gabi na pero balisa parin siya.

Paano niya mapapaniwala si Devlin na ito ang mahal niya at hindi si Jaxon? Dapat ay nag-isip ang lalaki. Hindi niya ipagkakaloob ang kanyang pagkababe dito kung hindi niya ito mahal.

At bakit sa condo pa ni Danille ito nagtungo? Nalilito na siya. Sumasakit ang ulo niya sa pag-iisip.

"May bisita ka," sabi ng kanyang Mama sa kanya.

"Sino, 'Ma?" takang tanong niya.

"Si Jaxon, labasin mo na at hindi ko gusto ang itsura. Nakainom yata," inis na sabi ng kanyang Mama sa kanya.

"Sige po," ayon na lang niya.

____________________§§§_________________

NATIGILAN siya nang makita si Jaxon. Pulang-pula ang mukha nito. Napatayo ang lalaki nang makita siya.

"Bakit ba ayaw mo akong tigilan ha, Jaxon?" inis niyang tanong dito.

"I just want to ask for your forgiveness, Lilac," hindi nakangiting sagot nito sa kanya.

"Huwag ngayon, Jaxon. Nasa dibdib ko pa ang galit sa iyo. Sa paglipas siguro ng panahon. Mapapatawad kita pero sa ngayon. Lumayo ka muna sa akin dahil nasusuklam ako sa iyo," mahabang paliwanag niya.

"Mahal na mahal kita, Lilac," sambit nito.

Tinitigan niya ito. Wala talaga siyang maramdaman para sa lalaki. Nabura ng poot ang pagmamahal niya dito.

"Kalimutan mo na lang na nagkaroon tayo ng kaugnayan sa isa't-isa, Jaxon." ang pakiusap niya.

"Hindi madali ang nais mong ipagawa sa akin, Lilac," daing nito.

"Nagawa mo ngang magtaksil sa akin. Magagawa mo ring kalimutan ako. Nandiyan naman si Danille. Handa ka niyang mahalin." sagot niya.

"She never loved me, Lilac. She used me," sagot naman nito sa kanya.

"Kapwa lang kayo naggamitan sa isa't-isa Jaxon. So please, leave," huling pakiusap niya sa lalaki.

Nakayuko ang ulong lumabas ito. Inis na pumasok siya sa loob ng bahay.

____________________§§§_________________

"MAY BISITA ka, iha," nakangiting sabi ng kanyang Mama sa kanya.

Napakunot ang noo niya sa narinig. "Mama, wala akong panahong tumanggap ng bisita. Ang dami kong trabaho," napipika niyang sagot sa ina.

"He is a nice person, iha. Maayos siyang manamit at magalang. Kausap nga niya ang Papa mo sa labas," may tuwa sa tinig ng kanyang Mama.

Napatitig siya sa ina. Noon lang niya nakitang masaya ito. "Sino ba ang sinasabi mong bisita ko, Mama?" tanong niya.

"Kasama niya ang lima niyang kapatid na lalaki. Mamanhikan daw," sagot uli ng kanyang Mama.

Napatayo siya sa narinig. Parang kilala niya ang sinasabi ng ina. Agad na lumabas siya ng kanyang silid.

Inabutan niya sa sala ang kanyang Kuya Sky, ang ama at ang mga pinsang babae at lalaki. Nandoon din ang Salvador brothers. Pero wala si Devlin. Tatlo sa mga ito ay kilala niya pero ang isa na kausap ni Cy ay noon lang niya nakita.

"I'm Drake Salvador," pakilala nito sa kanya sabay lahad ng kamay. Atubiling inabot niya ang kanang kamay para makipagkamay dito.

"I'm Lilac Salcedo," pilit ang ngiting pakilala niya sa lalaki. Ang bunso ng mga Salvador. Tulad ng apat pang kapatid nito ay may sariling angking gandang lalaki at karisma ang lalaking kaharap niya. Ngunit sa tingin niya'y masyadong seryoso nito.

"And she is my fiancée, young Salvador," salo ni Devlin sa kanilang usapan at nilapitan siya.

Kinuha nito sa kamay ni Drake ang kanyang kamay at dinala sa mga labi nito

"Devlin," hindi makapaniwalang sambit niya sa pangalan nito.

"Can I talk to you," masuyo nitong sabi sa kanya. "In private," dugtong nito

Napatango siya. Dinala siya nito sa isang bahagi ng kanilang bakuran na malayo sa mga ito. Nang mawala sila sa paningin ng mga bisita ay bigla siya nitong niyakap at hinagkan sa labi. Naroon ang pananabik. Siya man ay sabik na rin sa lalaki kaya awtomatikong pumulupot ang kanyang mga bisig sa leeg nito at gumanti din ng halik. Kapwa nila habol ang pahinga nang pakawalan nila ang isa't-isa.

"I miss you," bulong nito sa kanya. Hindi pa rin ito bumibitaw sa pagkakayakap sa kanya.

Humilig siya sa dibdib nito. "I missed you, too,"

"Now uulitin ko ang tanong Miss Lilac Salcedo. "Will you marry me?" tanong nito sa kanya.

"Yes, I want to marry you, Mr. Devlin Salvador."

Nang muli siya nitong hagkan sa labi ay nakadama siya ng katiwasayan ng kalooban. Alam niya na liligaya na siya.

Malakas na palakpakan ang nagpahiwalay sa kanila sa isa't-isa.

"Besfriend," nakatawang sabi ni Sky. "Pakasalan mo muna ang sister ko bago mo papakin," pabirong sabi nito kay Devlin.

Nagkatawanan ang lahat sa sinabi nito. Namumulang napatitig siya kay Devlin.

Napangiti ito ng malapad. "I want to announce to everybody that Lilac Salcedo has accepted my proposal. She wants to marry me," malakas na sabi ni Devlin.

Nangilid ang mga luha niya habang akbay siya nito papasok sa loob ng bahay upang pag-usapan ang mga detalye para sa kasal. Lahat ay nagdiriwang para sa kanyang kaligayahan.

🌠🌠🌠🌠🌠W A K A S🌠🌠🌠🌠🌠

🌠🌠🌠🌠🌠W A K A S🌠🌠🌠🌠🌠

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

⭐️ T H A N K   Y O U

LILAC (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon