Chapter 6.2 🌸

697 19 0
                                    

INABANGAN niya si Devlin pero hatinggabi na ay hindi pa rin ito bumabalik. Malubha siguro ang kalagayan ni Declin. Bakit hindi man lang yata siya naalalang tawagan? Panay ang tingin niya sa teleponong nasa sala.

"Matulog ka na," sabi ni Nana Conchita sa kanya. "Ako na ang maghihintay kay Devlin," sagot nito.

Napatango siya bilang pag-ayon pero sa totoo lang gusto niyang siya ang maghintay sa pagdating ng binata.

Akmang papasok na siya sa kanyang silid nang marinig ang busina sa labas. Alam niya na si Devlin ang dumating.

___________________§§§__________________

"SALAMAT naman at dumating ka na," nakangiting sabi niya sa lalaki. "May sasabihin sana ako sa iyo." meydo kinakabahan niyang sabi dito.

"Ano 'yon?" tanong nito sa kanya habang nagtatanggal ng suot na maong jacket.

"Si Danille, nandito kanina," pagbabalita niya.

"I know, nagpunta siya sa hospital. Kaibigan niya si Declin," agad na sagot nito sa kanya.

"Nagkita na pala kayo," sagot niya na nasa tinig ang takot at pangamba.

Nilapitan siya ni Devlin. Bigla siya nitong niyakap. "Gustong bumalik ni Danille, Devlin," daing niya sa binata.

"Sa tingin mo ba matatanggap ko pa siya. Ikaw na ang nandito sa puso ko, Lilac," masuyong sagot nito sa kanya.

Hinaplos nito ang kanyang pisngi. Nakadama siya ng kilabot sa ginawang iyon ng lalaki.

"Sana nga, Devlin," nakangiting sagot niya.

"Ako ba ay nasa puso muna, Lilac?" tanong nito sa kanya.

Kumalas siya sa pagkakayakap dito. "Magsisinungaling ako kung sasagot ako ng oo, Devlin. Isang buwan pa lang akong nandito. Ngayon ko pa lang nararamdaman ang sinasabi mong pag-ibig sa akin. Nalilito pa rin ako sa damdamin ko." paliwanag niya.

Muli siya nitong niyakap. "Maghihintay ako, Lilac," sagot nito sa kanya.

____________________§§§_________________

NANG sumama siyang dumalaw sa hospital kay Devlin ay nakadama siya ng kasiyahan dahil hindi siya nilalayuan ng lalaki.

Ipinakilala siya sa nakasalubong nilang kakilala.

Napangiwi siya ng makita si Declin. Nakabalot ng benda ang kanang binti nito.

"Hi!" bati niya sa ikatlong Salvador. Mestisuhin ito. Hindi tulad ni Devlin at Revo na kapwa Moreno.

"You must be Lilac," nakatawang sabi nito sa kanya. "Nice meeting you," tuwang bigkas nito.

"Nice meeting you, too, Declin," sagot niya sabay lahad ng kamay upang kamayan ito. Inabot naman iyon ng lalaki.

"She is my fiancèe Declin. Maaari mo nang bitawan ang kanyang kamay," nakatawang sabi ni Devlin sa kapatid.

Natawa ito. "Ang kuya kahit kailan ay madamot," pabiro nitong sagot.

Nagkatawanan sila sa birong iyon. Gusto niya ang pagiging palabiro ni Declin.

Natigil ang kanilang kuwentuhan nang isang babae ang sumungaw sa pinto. Nang makita ito ni Declin ay nawala ang ngiti nito sa labi.

"You don't belong here, Winry," sabi nito sa babae.

Napatitig siya sa babae. Nakadama ng awa dito. Hindi na pumasok ang babae. Agad itong nawala sa kanyang paningin.

"Ignore her," utos ni Devlin sa kanya.

Nagtataka man ay nagkibit balikat siya. Ano ang kaugnayan ni Winry kay Declin? Bakit ipinagtabuyan nito ng kapatid ni Devlin? Naibulong niya sa sarili.

Bumukas uli ang pinto. Pumasok ang isang lalaki. Nasisiguro niya na isa itong Salvador dahil kahawig ito ni Devlin. Nakangiting lumapit sa kanya ang lalaki at nakipagkamay.

"May maganda tayong bisita, You must be Lilac right? I'm Lexor," pakilala nito sa kanya.

Napangiti siya ng malapad. Tulad ni Declin ay masayahin din si Lexor. Isa nalang ang hindi niya nakikita ang bunsong Salvador. Gusto niyang itanong si Drake pero alam niya wala siyang karapatan para gawin iyon kaya naging tahimik na lang siya.

Nakauwi na sila sa mansyon pero hindi niya nakita ni anino ni Drake.

✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️

M👀dyAze's note ☕
٩(๛ ˘ ³˘)۶♥ Thank you for reading.
✔️ Please Like.
✔️ Please Vote.
💡 Also comment.




LILAC (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon