Chapter 1.4 🌸

1K 32 0
                                    

PAGDATING sa isang gate na bakal na may nakasulat sa arko na Hacienda Salvador ay nagsipagbabaan na ang lahat.

"Dito na tayo?" nagtataka niya tanong.

"Oo, anak," agad na sagot ni Nana Rosa. Mula kasi dito ay lalakarin na ang patungong mansyon ng mga Salvador. Doon rin nakatira ang iyong Nana Conchita dahil siya ang mayordoma sa mansyon. Ang mahabang paliwanag sa kanya ni Nana Rosa.

Napatango siya. "Eh kayo po, saan naman po kayo nakatira?" tanong niya dito.

"Malapit lang dito," ang nakangiting sagot ni Nana Rosa. Hindi niya napansin na malayo na pala ang nalalakad niya pero kahit anino yata ng mansyon na iyan eh hindi makita. Mabuti na lang at may nakasabay siya sa paglalakad at kahit paano hindi siya maiinip at para narin maexperience niya ang hirap sa paglalakad at take note may bitbit pa siyang maleta sa lagay na yan. Tagaktak na nga ang pawis niya.

"Nana Rosa wala po bang service dito na papunta doon?" tanong niya sa matandang babae na parang sanay na sanay nang maglakad di man niya nakitaan na ito'y humingal. Buti pa sila relax lang ako wala na malapit na malantang gulay.

"Taga-Maynila ka nga......Sanay na kaming maglakad lage ng ganitong kalayo hija." ang nakangiting sambit nito sa kanya.

Napahinto siya sa paghakbang nang may marinig siya na isang tunog ng sasakyan. Ilang sandali pa ay nakita na niya ang isang land rover na dumating. Agad-agad niya itong pinara.

Huminto naman ito. Laking pagtataka niya nang magsiyukuan ang mga kasama niya. Sino ba itong dumating, isang panginoon?

Bumukas ang pinto sa may driver seat. Bumaba doon ang isang bulto. Napalunok siya ng makita kung sino ang sakay nito.

May lahi ba itong higante? Mataas na kasi ang height niya na five feet and seven inches pero tumitingala pa siya sa lalaki. Malapad na balikat, malapad na dibdib, braso at binti na siksik na siksik sa masel. Drop dead gorgeous hunk. Merong makapal na kilay, mataimtim na mga mata, ilong na matangos at labing manipis. Kulay moreno ang kutis nito na nagbigay ng anyong lalaking-laki dito.

Bumaba ba ang isang Greek God buhat sa Mount Olympus?

"Anong kailangan mo babae?" tanong nito sa kanya.

"Maaari bang makisakay?" agad niyang tanong dito.

"Bago ka rito?" Napatango siya. Sandali itong nag-isip. "OK.....Sige," ayon nito sabay tango sa kanya. Akmang sasampa na ito sa driver seat nang tawagin niya ito. "Bakit?" takang tanong niyo.

"Hindi mo ba ako tutulungan man lang ilagay ang aking mga bagahe sa likod ng sasakyan mo?"

Lumapit si Willy. "Ako na ang maglalagay, Lilac," boluntaryo nitong sabi sa kanya.

Sobrang nataka na ibinigay niya kay Willy ang bagahe. "Salamat," sabi niya dito.

Napangiting tumango lang ito. Siya naman ay agad na ring sumakay sa tabi ng lalaki.

Paandarin na sana nito ang sasakyan ng pigilan niya ito ulit. "Sandali."

"Bakit na naman ba?" naiirita at gigil na tanong ng lalaki.

"Hindi mo ba sila isasakay man lang?"    tanong niya sa lalaki.

"No, Maglalakad lang sila," seryosong sagot nito sa kanya.

"Teka, malaki naman itong sasakyan. Kasya sila dito lahat."

Napabuntong-hininga na lang ang lalaki. "Maaari na kayong sumakay," sabi nito sa mga kasama niya. Napangiti siya ng malapad dito. "Salamat."

Nagsisakay naman ang mga inalok pero nakabadha sa mukha ang pagtataka. Hindi kasi ugali ng kanilang amo na magsakay ng mga tauhan sa Hacienda.

Napangiti ng malapad si Lilac. Sino kaya ang lalaking kanyang katabi?

✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️

M👀dyAze's note ☕
٩(๛ ˘ ³˘)۶♥ Thank you for reading.
✔️ Please Like.
✔️ Please Vote.
💡 Also comment.

LILAC (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon