Chapter 5.3 🌸

748 18 1
                                    

NAPALINGON si Devlin sa kinaroroonan ni Lilac at Revo. Kitang-kita niya nang hawakan ni Revo ang palad ni Lilac at hindi niya nagustuhan ang ginawa ng kapatid. Akmang lalapit siya pero natigilan ang binata. Dahil nakita niyang nakangiti si Lilac kay Revo sa halip na magalit ito sa kapatid niya.

Gumuhit ang matinding selos sa kanyang dibdib. Natigilan ang binata. Bakit siya magseselos. Wala naman silang kaugnayan ni Lilac. Wala silang relasyon ng dalaga.

Napuna ni Lilac na matiim na nakatitig sa kanila ni Revo si Devlin. Binawi niya ang kamay na hawak ni Revo at kinawayan ito.

Atubiling lumapit si Devlin sa kanilang dalawa. Sinenyasan niya ang binata na umupo sa kanyang tabi.

"Tinatanong ni Revo kung kailan tayo pakakasal," nakangiti niyang sabi kay Devlin. Gusto niyang makita kung ano ang magiging reaksiyon nito.

Tulad niya kanina ay nagulat din ito.

"Hindi pa namin napapag-usapan," sagot ni Devlin.

"Kuya, kalat na sa buong Hacienda na nagkasama kayong matulog sa iisang kuwarto. Anong iisipin ng mga magulang ni Lilac? Ang besfriend mong si Sky. I think nakarating na sa kanya na nasa poder mo ang kanyang kapatid." ang sabi ni Revo.

Namutla si Devlin. Bumaling ng tingin sa kanya. Nakangiti namang nakatitig siya dito.

"Hindi pa naming napapag-usapan ni Devlin ang petsa pero ipapaalam din namin sa inyo kapag napagkasunduan na namin," nakangiting sagot niya para mailigtas si Devlin sabay hilig sa balikat nito.

Nakaramdam niyang umangat ang kaliwang kamay nito at inakbayan siya.

"Let's celebrate," nakatawang sagot ni Revo at sumenyas na para kumain sila. Lahat ay nagsilapitan sa mesa

Iniwan siya ni Devlin upang ikuha siya ng makakain. Nilapitan siya ni Lexi. Umupo sa kanyang tabi.

"Natutuwa ako at nakilala ka ni Kuya Devlin," sabi ni Lexi sa kanya. "Magiging masaya na naman siya," sabi nito sa nanginginig na tinig.

"Hindi ka ba masaya para sa kanya?" takang tanong niya dito.

"Ma-masaya sa kabila ng aking kabiguan," pag-amin nito sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" agad na tanong niya.

"Minahal ko si Kuya Devlin. Natuwa ako nang mawala si Danille. Akala ko mababaling ang pagtingin niya sa akin dahil nawala si Danille pero sinara na niya ang kanyang puso sa pag-ibig. Naging tahimik at malungkutin. Pero nang dumating ka. Muli siyang sumigla at naging palabiro uli. Ikaw, wala ka pang isang buwan dito pero nakita kong napaligaya mo siya," mahabang paliwanag nito sa kanya.

"Nakikiusap ako, mahalin mo siya. Huwag mong iiwan na tulad ng ginawa ni Danille," nakikiusap nitong sabi sabay tayo at iniwan siya.

Maang na hinabol niya ng tanaw ang papalayong babae.


✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️

M👀dyAze's note ☕
٩(๛ ˘ ³˘)۶♥ Thank you for reading.
✔️ Please Like.
✔️ Please Vote.
💡 Also comment.

LILAC (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon