Chapter 2.1 🌸

941 23 2
                                    

"ANO BA ang nangyari at ikaw ay napasugod dito?" tanong ni Nana Conchita sa kanya habang inaalis niya sa maleta ang mga damit ng dalaga at inilagay sa closet. Naroon sila sa guest room ng mansyon ng mga Salvador.

"I caught my boyfriend Jaxon cheating on me Yaya," agad niyang sagot sa gumagaralgal na tinig. May gumuhit na galit sa kanyang dibdib nang maalala ang tagpo na nasaksihan niya sa loob ng penthouse ng nobyo. Mabuti na lang at hindi siya pumayag sa pre-marital sex na hinihingi nito sa kanya noon. Siya ang talo kapag nagkataon. Modelo siya oo pero hindi siya nakiki-uso sa mga kapwa modelo. She doesn't care at all sa mga patsutada at panunuya ng mga kapwa modelo sa desisyon niyang manatiling malinis bago maikasal.

"Baka kaibigan lang," sagot nito sa kanya. Isa-isa nitong inayos ang mga damit niya sa closet.

"My god! Yaya....I saw the both of them doing the deed." sagot niya ulit na sa gumagaralgal na boses.

Bigla naman siyang nilapitan ni Nana Conchita. "Kalimutan mo na ang nangyari," utos nito. "Dapat diyan sa ex-boyriend mo ay isumpa," galit nitong sabi.

"I'm sorry, Yaya kung bigla po akong napasugod dito at naabala pa po yata kita. Nakakahiya po nga kay Mr. Salvador." sagot niya dito.

Napangiti ng malapad si Nana Conchita. "Anong ginawa mo at nakasabay ninyo sa sasakyan ang mga tauhan ng Hacienda?"

Ikinuwento niya ang nangyari sa matandang babae. "Akala ko'y nagbago na siya ng tuluyan. May puso pa rin pala si Devlin," ang sambit ni Nana Conchita matapos siyang mag-kuwento.

Napakunot ang noo niya sa narinig. "Anong ibig mo pong sabihin Yaya?" takang tanong niya.

"Pagkakatiwalaan kita dahil hindi ka na iba sa akin, iha...Mula nang iwan ng nobya si Devlin ang naging bato na ang puso nito." paliwanag nito.

"Nabigo din pala siya sa pag-ibig," nakikisimpatiya niyang tugon.

"Nagtataka nga ako nang sabihin niyang ipagamit sayo ang isa sa mga guest room ng mansyon," seryosong sabi ni Nana Conchita sa kanya. "Hindi ito kailan man tumatanggap ng bisita lalo na pag-babae," dagdag pa nito.

"Saang silid kayo natutulog dito, Yaya?" tanong ni Lilac.

"Bukod ang tirahan naming mag-asawa. Pagkagat ng dilim ay umuuwi na ako," nakangiting sagot nito.

Bigla siyang nakadama ng pag-aalala "Iiwan ninyo po ako dito sa mansyon ng mag-isa, Yaya?" tanong nito.

"Iha, bisita ka dito. Hindi natutulog sa mansyon ang mga katulong. Nasa servants quarters kami." paliwanag nito.

Napatango siya. Sa mansyon din ng mga Salcedo sa Sangay ay ganoon din ang patakaran ng kanilang lola. Hiwalay ng tirahan ang mga katulong sa mga amo.

✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️

M👀dyAze's note ☕
٩(๛ ˘ ³˘)۶♥ Thank you for reading.
✔️ Please Like.
✔️ Please Vote.
💡 Also comment.

LILAC (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon