Chapter 3.1 🌸

781 19 0
                                    

"NAPAKAGANDA ng gabi," tila nangangarap na sabi niya habang nakatungay sa kalangitan. Mula sa kinaroroonan niya ay malaya niyang nakikita ang kalangitan. Napaunat siya sa pagkakatayo nang may dumaang kometa.

Napapikit siya at bumulong. Hiniling niya na sana ay makatagpo siya ng tunay na pag-ibig.

"Anong hiniling mo?" tanong ni Devlin sa kanya.

Napangiti siya dito. "Secret," nakangising sagot niya dito. "Ikaw, anong hiniling mo?" ang balik niyang tanong dito.

"Sabihin mo muna ang hiling mo," ang tumatawang sagot nito.

Inirapan niya ito. "Huwag na lang. As i've said before it's a S E C R E T." diin niyang tugon dito.

"Me too," nakangiting sagot ni Devlin pero ang mata ay sa kanya nakatitig.

"May dumi ba ang mukha ko?" takang tanong niya dito sabay haplos sa pisngi ng kanyang palad.

Ngumito ito. "Wala, kaya lang ako nakatitig sa iyo ay hindi ako makapaniwalang magkakaroon ako ng isang magandang bisita sa araw na ito at makakasama sa mga susunod pang araw. I think my next few days would be worthwhile." ang usal nito.

"My god nagfliflirt ba ang greek god na ito?" namumulang inalis niya ang tingin sa binata. Sanay na siyang nakakarinig ng papuri pero ang manggaling iyon kay Devlin ay naghatid ng saya sa kanyang puso. "Thanks for the compliment," sabi niya dito.

✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️

M👀dyAze's note ☕
٩(๛ ˘ ³˘)۶♥ Thank you for reading.
✔️ Please Like.
✔️ Please Vote.
💡 Also comment.

LILAC (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon