TUMIKHIM si Devlin. Hudyat iyon para bitiwan ni Devlin ang kanyang kamay.
Napangiti siya. Noon lumapit ang isang magandang babae. Nakatirintas ang mahaba nitong buhok at nakasuot ng pantalong kupas at polo shirt na maluwang. Bilang isang may-ari ng isang commercial agency. Gusto niya ang ganda ng babae bilang isang commercial model ng isang shampoo dahil sa nakikita niyang ganda ng buhok nito.
"Nakahain na," sabi nito pero sa kanya nakatingin.
Nginitian niya ito. "I'm Lilac," pakilala niya dito.
"I'm Lexi," pakilala nito sa kanya.
Lumapit si Revo dito at inakbayan ang babae na parang isang kabarkada lang.
"Salamat sa pag-aaaikaso, Lexi. Talagang maasahan kita," nakangising sabi ni Revo sabay gulo sa buhok nito.
Inis na hinampas ni Lexi si Revo. Napangiti siya ng malapad.
"Magkababata silang dalawa," bulong ni Devlin sa kanya.
Napatango siya. "Maganda si Lexi, Devlin," bulong niya dito.
"Dati noong hindi pa modelo si Danille. Ganyan din ang kanyang itsura, Lilac. Simple at kuntento kung ano na lang ang dumating sa kanyang buhay," makahulugang sagot ni Devlin.
Hindi siya sumagot. Nasaktan siya sa sinabi ni Devlin. Bakit naalala pa rin yata nito si Danille?
"Natahimik ka," puna sa kanya ng binata.
"Wa-wala," pagkakaila niya.
___________________§§§__________________
"ANO talaga ang kaugnayan mo sa kapatid ko, Lilac?" tanong ni Revo sa kanya.
"Isang kaibigan," agad niyang sagot.
"May kaibigan bang magkasama kayo sa iisang silid," direktang sagot ni Revo.
Napaawang ang bibig niya sa narinig. "Alam mo?" hindi makapaniwalang sagot niya.
"Maliit lang ang Hacienda Salvador, Lilac. Lahat ng nangyayari sa mansyon ay alam ko." nakangiting sagot nito sa kanya.
"Alam mo na pala. Hindi iyon tulad ng iniisip mo," paliwanag niya.
"Kailan ninyo balak magpakasal?" tanong nito sa kanya na parang hindi narinig ang sinabi niya.
Natigilan siya sa tanong nito. "Kasal? Anong...?" agad niyang tugon.
"Natutuwa ako at muling nagbalik ang dating Devlin. Look at him, Lilac," sabi nito sabay turo sa kinaroroonan ni Devlin. Nakikipagkuwentuhan ito sa mga kakilala at tumatawa ng malakas sa biro ng mga ito.
"Mula nang mawala kasi si Danille ay naging malungkutin na ang aking kapatid. Naawa ako sa kanya pero wala akong magawa. Kaya nakikiusap ako Lilac. Huwag mo siyang saktan," seryosong sabi nito sa kanya.
"Mabait ang kapatid mo, Revo. Wala akong dahilan para saktan siya. Saka..."
"Salamat. Tatanawin kong malaking utang na loob kapag natupad mo ang pangako mo sa akin," nakatawa nitong sabi sa kanya sabay hawak sa kanyang kamay na nakapatong sa mesa.
✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️
M👀dyAze's note ☕
٩(๛ ˘ ³˘)۶♥ Thank you for reading.
✔️ Please Like.
✔️ Please Vote.
💡 Also comment.
BINABASA MO ANG
LILAC (COMPLETED)
Romance👀Kapag nahuli mo ang iyong boyfriend na may ibang kinakalantari sa kama anong gagawin mo? A. Umiyak at Magsisigaw. B. Pagbuhol-buholin mo ang dalawa. C. Dedma walking. D. None of the above. E. Basahin niyo po para malaman. ☕ Novice writer po...