Chapter 3.4 🌸

787 16 0
                                    

HINDI na umalis ng mansyon si Devlin. Inilibot siya nito sa buong mansyon. Napakaraming silid ang binuksan nila at tinignan. Lahat ay naglalaman ng mga naggagandahang kasangkapan. Pinaghalong moderno at antigo ang mga iyon.

Para sa kanya ay malalaking kayamanan ang nasa loob ng mansyon ito na nagsalin-salin sa mga angkan ng mga Salvador.

Naubos ang kanilang maghapon ni Devlin sa pagkukuwentuhan. matiyaga niyang pinakinggan ang pinagmulan ng lahi nito.

Ewan kung bakit hindi naging kainip-inip ang mga sandali sa kanya kapag kasama ang lalaki. Nagiging interesado siya sa mga sinasabi nito. Gustong-gusto niyang pagmasdan ang paraan ng paggalaw at pagsasalita nito.

Nasa katauhan ni Devlin ang isang dream man. She find this man attractive. She enjoyed his company.

She beginning to like him. Ganoon din kaya ito sa kanya?

__________________§§§___________________

MATAGAL nang tulog ang mga kasambahay ni Lilac pero hindi pa rin siya dalawin ng antok ang dalaga.

Tumayo siya at lumabas ng teresa na nasasakop ng kuwartong kinaroroonan. Payapa ang gabi. Tanging maririning niya ang huni ng mga panggabing ibon.

Nayakap niya ang sarili nang umihip ang malamig na hangin. Ito ba ang buhay ba gusto niya? Bakit ba laging naduduwag siya kapag nagkakaroon ng problema? Tama ba ang naging desisyon niyang takasan ang lahat?

"Gabi na Lilac, hindi ka pa natutulog," puna ni Devlin sa kanya.

Muntik na siyang mapalundag sa pagkagulat. Magkatabi lang pala ang kanilang silid.

"Namamahay ako," nakangiting sagot niya dito.

"Ako naman ay hindi makatulog dahil sa kaiisip ng problema sa negosyo," nakangiting sagot nito.

Napangiti siya dito. "Ako naman, kapag nasa bahay ay kinalilimutan ko muna sandali ang tungkol sa negosyo," nakatawang sagot niya.

Napatitig ito sa kanya. "Bakit kailangang lumayo ka, Lilac?" tanong nito sa kanya sabay tukod ng mga kamay sa pasamano.

"Iyon din ang gusto kong itanong sa sarili ko, Devlin," daing niya dito.

"Sanay ka bang tumatakas?" tila imbestigador na tanong nito ulit sa kanya.

"Kapag hindi na kaya ng dibdib ko," agad niyang tugon sabay kapit sa pasamano ng teresa.

"Matulog ka na, Lilac," utos nito sa kanya.

Napatango siya at pumasok na sa loob. Nahiga siya sa kama at mariing pumikit. Pakiramdam niya ay hindi siya nag-iisa. Nasa kabilang kuwarto lang si Devlin. Binabantayan siya. Nahiling niyang sana ay makalimutan na ng tuluyan si Jaxon. Ilang sandali pa at mahimbing na siyang natutulog.

✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️

M👀dyAze's note ☕
٩(๛ ˘ ³˘)۶♥ Thank you for reading.
✔️ Please Like.
✔️ Please Vote.
💡 Also comment.

LILAC (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon