TAHIMIK NA ang paligid. Tahimik na bumangon si Devlin at tinungo ang pinto. Tinapunan niya ng sulyap si Lilac bago lumabas.
Tinungo niya ang wine bar. Naudlot ito sa pagsasalin ng alak nang makita si Revo.
"Bakit ka umiinom, Kuya?" tanong ni Revo.
"Naguguluhan ako," litong sagot ni Devlin.
"Dahil ba sa nagbalik si Danille?" nanunuyang tanong ni Roman.
"Naawa ako sa kanya. Naging biktima siya ng kanyang pangarap. Gusto ko siyang makabangon." paliwanag nito.
"At ang naisip mong paraan?" tanong ni Revo.
"Hindi ko pa alam. Nalilito ako," sagot ni Devlin sabay tungga nang laman ng kopita.
____________________§§§_________________
NAUDLOT sa paghakbang si Lilac nang marinig ang pag-uusap ni Revo at Devlin. Nagkubli siya sa poste na malapit sa dalawa. Upang maliwanag niyang marinig ang lahat.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi nang marinig kung sino ang pinag-uusapan ng dalawa. Siya at si Danille.
"Ano pa ba ang ikinalilito mo. Nasa iyo na si Lilac. Just love her," sabi ni Revo.
"Naawa ako kay Danille," katwiran ni Devlin.
"Naawa o mahal mo pa rin siya?" usig ni Revo sa kapatid.
Hindi nakasagot si Devlin. Muling nagsalin ng alak sa kopita. "Si Danille ang aking nakaraan. Hindi ko siya basta makakalimutan." sabi niya sa kapatid.
"Paano si Lilac?" tanong ni Revo.
Hindi kumibo si Devlin. Tutulungan niyang magpasiya si Devlin. Ngayong dumating na sa Hacienda Salvador ang babaing tunay na nag mamay-ari dito ay siya na ang aalis. Ayaw niyang makitang nahihirapan ang lalaking mahal.
Muli ay tatakas na naman siya. Bakit ba napakaduwag niyang harapin ang totoo? Bakit hindi niya makayang ipaglaban ang kanyang pag-ibig.
Pagpasok niya sa kuwarto ay agad na inilabas sa closet ang kanyang mga gamit at isa-isang inilagay sa bag. Pag-alis ni Devlin bukas patungong farm ay saka siya aalis. Kung sakaling hindi siya nito makita ay makakapag-isip ito ng maayos.
✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️
M👀dyAze's note ☕
٩(๛ ˘ ³˘)۶♥ Thank you for reading.
✔️ Please Like.
✔️ Please Vote.
💡 Also comment.
BINABASA MO ANG
LILAC (COMPLETED)
Romance👀Kapag nahuli mo ang iyong boyfriend na may ibang kinakalantari sa kama anong gagawin mo? A. Umiyak at Magsisigaw. B. Pagbuhol-buholin mo ang dalawa. C. Dedma walking. D. None of the above. E. Basahin niyo po para malaman. ☕ Novice writer po...