SA PAGHAHARAP nila ni Jaxon ay may napatunayan siya. Hindi na niya mahal ito. Noon niya naikumpara si Devlin dito. Higit na matatag ang kinabukasan niya kay Devlin at nararamdaman niyang mahalaga ang lalaki sa kanya. Hindi niya ito ipagpapalit kahit kay Jaxon. She missed him. Parang gusto niyang bumalik ng Davao kahit nandoon pa si Danille. Gusto niyang ipaglaban ang pag-ibig niya.
Subalit hindi tuminag si Jaxon para lumabas ng kanyang opisina sa halip ay nilapitan siya at niyakap. Natigilan siya sa ginawa nito. Itinukod niya ang dalawang braso para itulak ito pero hindi niya nagawa. Sobrang higpit ang pagkakayakap nito sa kanya.
Naramdaman niyang humahagulgol ito. Hinayaan niyang mailabas ng lalaki ang bigat na nasa dibdib.
Lingid sa kanya ay nakatingin si Devlin. Kitang-kita ng binata ang tagpong iyon. Nanlalambot na ibinagsak nito sa sahig ang dalang bulaklak at tsokolate at pumuhit palayo sa pook na iyon. Bumalik pala si Lilac kay Jaxon.
___________________§§§__________________
GALIT na sumakay ng kotse si Devlin. Napakalaking tanga niya para umasang nakalimutan na ni Lilac si Jaxon. Sa nakita niyang tagpo ay nagkasundo na ang dalawa.
Hindi niya napansin si Sky na nagtatakang nakatingin sa kanya.
____________________§§§_________________
"PLEASE JAXON, stop it," saway ni Lilac dito at inipon ang lakas at kumalas sa pagkakayakap dito. "Hindi na maibabalik ng luha mo ang nangyari. Nawalang lahat ang pagmamahal ko sa iyo," prankang sabi niya sa lalaki.
"Nagsisi na ako, Lilac," sabi nito sa kanya habang pinapahid ang luha sa pisngi nito.
"Will you please get out," taboy niya dito.
"Narinig mo ang sinabi ng kapatid ko, Jaxon. Kaya kung ayaw mo ng gulo, umalis ka na," sabi ni Sky na hindi niya namalayan ay dumating pala.
Yuko ang ulong lumabas sa kanyang opisina ang lalaki.
"Hello, little sis," nakangiting bati ni Sky sa kanya. "Mukhang may problema ka yata sa ex-bf mo?" tanong nito.
"Hi!" pilit na ngiting sagot niya dito. "Gustong makipagbalikan." paliwanag niya.
"Kasama mo ba si Devlin?" tanong nito sa kanya.
Umiling siya. "Umalis ako sa Hacienda na hindi nagpapaalam sa kanya." dugtong niya.
"Aba'y bakit?" takang tanong nito.
"Bumalik sa kanya si Danille," sagot niya dito.
Napatitig sa mesa niya si Sky. "So this is Danille, maganda siya. Gandang makamandag," komento nito. "Hindi ko natatandaang ipinakilala siya sa akin ni Devlin." sabi nito.
"Nalilito si Devlin kung sino ang pipiliin between me and Danille. Umalis ako para makapag-isip siya," mahabang paliwanag niya sa kapatid.
"Akala ko kasi kasama mo si Devlin. Nakita ko kasi na lumabas siya ng building. Tinawag ko nga pero hindi naman ako pinansin." sabi nito sa kanya.
Bigla siyang napatayo sa kinauupuan nang marinig ang sinasabi ni Sky. "Nandito si Devlin?" gulat niyang bigkas.
"Oo, sa tingin ko galing dito. Nakita ka kaya niyang kausap si Jaxon?" tanong ng kapatid sa kanya.
"Siguro nga Kuya. Saan siya patungo?" tarantang tanong niya.
"Sa parking lot." agad na sabi nito.
"Dito ka lang Kuya. Pupuntahan ko siya," paalam niya sa kapatid. Nagmamadaling lumabas ng opisina niya.
Nagtatakang sinundan siya ng tingin ng kapatid. Mabilis ang mga hakbang na tinungo niya ang parking lot.
Husto namang nakita niya si Devlin palabas. Sakay ng kotse nito. "Devlin!" malakas niyang sigaw pero hindi na siya narinig ng lalaki.
Tumulo ang kanyang mga luha. Nanlambot na bumalik siya sa loob ng building. Nakasalubong niya si Calli. Nasa mukha ng kanyang assistant ang pagtataka.
Hawak nito sa magkabilang kamay ang mga roses at chocolates.
"Lilac, nabitiwan noong guwapong mama. Para yata sa iyo itong mga bulaklak at tsokolate," sabi ni Calli.
Nanginginig ang mga kamay na kinuha niya ang bulaklak at tsokolate sa kamay ni Calli. Nangilid ang mga luhang binasa ang nakasulat doon. Napalunok siya upang mawala ang tila nakabara sa kanyang lalamunan.
"My Dearest Lilac,
I love you. Please believe me. It's coming from my heart. Ikaw ang tunay kung mahal. At ikaw din ang pinili ko.
Devlin," ang nakasulat sa card.Tumulo ang luha niya matapos basahin iyon. Kung kanina ay nandito si Devlin. Nasisiguro niya kaya ito umalis ay nakita nito ang tagpong niyakap siya ni Jaxon.
Pakiramdam niya ay gumuho ang lahat sa kanya pero saglit lang nang maisip niya na siya ang pinili ni Devlin. Hindi si Danille.
Nilapitan niya ang kapatid na noon ay abala sa pagbasa ng papeles.
"Kuya, alam mo ba ang cellphone number ni Devlin?" tanong niya.
"Hindi mo siya naabutan?" tanong pabalik nito sa kanya.
Umiling siya. "Malayo na ang kanyang kotse nang makita ko." sagot niya.
Ibinigay sa kanya ni Sky ang number ni Devlin. Sabik na eh dinayal niya ang numerong iyon.
Ring lang iyon ng ring. Ayaw sagutin ni Devlin.
Nanlalata siya sa nangyari. Gulo ang isipang itinuloy ang naudlot na trabaho.
✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️
M👀dyAze's note ☕
٩(๛ ˘ ³˘)۶♥ Thank you for reading.
✔️ Please Like.
✔️ Please Vote.
💡 Also comment.
BINABASA MO ANG
LILAC (COMPLETED)
Romance👀Kapag nahuli mo ang iyong boyfriend na may ibang kinakalantari sa kama anong gagawin mo? A. Umiyak at Magsisigaw. B. Pagbuhol-buholin mo ang dalawa. C. Dedma walking. D. None of the above. E. Basahin niyo po para malaman. ☕ Novice writer po...