KAHIT pawisan ay sinikap ni Lilac na humakbang. Nagtagumpay naman siya. Hindi na masyadong masakit ang kanyang balakang. Matutuwa na si Devlin dahil matatapos na rin ang paghihirap nito sa kanya.
"Alam ba ni Devlin na si Jaxon ang boyfriend mo?" tanong ni Nana Conchita.
Umiling siya. Natatakot ako, Yaya. Unti-unti ko na kasing natutuhang mahalin si Devlin. Ewan kung bakit kay daling palitan ni Devlin sa puso ko si Jaxon." sabi niya.
"Dapat sigurong sabihin mo na sa kanya ang totoo." ang suhestiyon ni Nana Conchita.
Natigilan siya. Paano kung magalit sa kanya si Devlin? Makakaya ba niyang layuan siya ng lalaki? Nangangamba ang kanyang puso.
___________________§§§__________________
"ANO ito?" takang tanong niya kay Devlin nang iabot sa kanya ang isang kahetang yari sa silver.
"Open it," utos nito sa kanya.
Nagtatakang binuksan niya ang kaheta. Kumislap sa sikat ng araw ang batong tampok noon.
A diamond ring. 💍
Kinuha ni Devlin sa kamay niya ang singsing at isinuot sa kanyang daliri. "Alam ko na masyadong mabilis ang mga pangyayari. Hindi ko alam na mararamdaman ko ang magmahal muli. Iniwasan kong mahulog sayo pero wala akong nagawa. At ngayon, magbabasakali ako .... I LOVE YOU, LILAC. WILL YOU MARRY ME?" masuyong tanong nito sa kanya.
Maang na napatitig siya dito. "O Devlin, I LOVE YOU TOO," tuwa niyang sagot.
Bigla ay niyakap siya nito at hinagkan sa labi. Napapikit siya. Nahagkan na rin siya ni Jaxon pero hindi ganito ang nararamdaman niya. Kakaiba ang halik na nararanasan niya buhat kay Devlin. May binubuhay na kakaibang init sa kanyang katawan. Init na hindi nakakapaso pero nagpapawala sa kanyang katinuan. At naghangad siya nang mas higit pa sa halik ang gusto niyang maranasan buhat sa lalaki.
Kapwa nila habol ang paghinga nang magkahiwalay ang kanilang mga labi pero nanatiling yakap pa rin siya nito.
"I love you," bulong nito sa kanya.
"I love you, too," nakangiting sagot niya.
Binitiwan siya nito. Hinaplos ng daliri ang kanyang pisngi. "Hindi mo pa sinasagot ang isang tanong ko. Will you marry me?" ulit nito.
Natigilan siya. "Devlin, Isang buwan pa lang tayong magkakilala," katwiran niya.
"Masyado naman yatang mabilis ang naging pasya mo," alinlangan niyang tugon sa tanong nito.
Natigilan ito. "I'm sorry," agad nitong hingi ng paumanhin. "All I want right now is to have you as my wife as soon as possible," nakangiting sagot nito sa kanya.
Humilig siya sa balikat nito. "Kilalanin muna natin ang isa't-isa, Devlin." tugon niya.
"Ikaw ang masusunod," masuyo nitong sagot at dinampian ng mabilis na halik ang kanyang labi.
Naudlot ang kanilang pag-uusap nang dumating si Revo.
"May problema ba?" agad na tanong ni Devlin sa bagong dating.
"Naaksidente si Declin," tukoy nito sa pangatlong Salvador. "Nahulog sa kabayo," pagbabalita nito.
"Sino ang pumalit sa kanya sa farm?" agad na tanong ni Devlin.
"Si Lexor," tukoy nito sa ikaapat na Salvador. "Dumating kanina buhat sa Maynila," agad na tugon ni Revo.
Bumaling sa kanya si Devlin. "Maiwan muna kina, Honey," masuyo nitong sabi sa kanya.
Napatango siya bilang pag sang-ayon sa binata. "Sige, mag-ingat ka ha," bilin niya dito.
Mabilis na halik sa labi ang iginawad nito sa kanya bago siya iwan. Wala na ang magkapatid ay saka lang niya inalis ang mga mata sa gate ng mansyon.
Bakit sa halip na saya ay takot ang nararamdaman niya ngayon? Di ba dapat ay ikatuwa niya na nagtapat sa sa kanya si Devlin?
Pinagmasdan niya ang suot na singsing. Para nga ba sa kanya ito? O para kay Danille?
✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️
M👀dyAze's note ☕
٩(๛ ˘ ³˘)۶♥ Thank you for reading.
✔️ Please Like.
✔️ Please Vote.
💡 Also comment.
BINABASA MO ANG
LILAC (COMPLETED)
Romance👀Kapag nahuli mo ang iyong boyfriend na may ibang kinakalantari sa kama anong gagawin mo? A. Umiyak at Magsisigaw. B. Pagbuhol-buholin mo ang dalawa. C. Dedma walking. D. None of the above. E. Basahin niyo po para malaman. ☕ Novice writer po...