UPANG MAALIS sa isipan si Devlin ay muli siyang bumalik sa trabaho. Hindi dapat maging hadlang ang kabiguan niya sa pag-ibig sa kanyang trabaho.
"Welcome home, Lilac," nakangiting sabi sa kanya ng kanyang assistant na si Calli.
"Thank you, Calli. Kumusta ang negosyo habang wala ako?"
"Ang Kuya Seth mo ang pansamantalang pumalit sa iyo," pagbabalita niya.
"Nasaan na ba ang Kuya ngayon, Calli?" tanong niya dito habang tinitignan ang mga nakalatag na mga litrato sa kanyang mesa. Napakunot ang noo niya nang hindi makakita kahit isang shots ni Danille.
"Nasaan iyong mga shots ni Danille sa commercial ng toothpaste, Calli?" tanong niya dito.
Natigilan si Calli. "Nasa akin," hindi tumatawang sagot nito.
"Akina, I want to see it para mai-camera set natin para sa bill board." sagot niya.
"Calli, trabaho ito. Hindi dapat isali ang personal na nararamdaman ko para sa kanya," paliwanag niya sa kausap.
Nagmamadaling ibinigay sa kanya ni Calli ang mga litrato.
___________________§§§__________________
MATAGAL niyang pinagmasdan si Danille. Napakaganda ng babae. Kahit sang anggulo tignan ay nakakatawag pansin ang angkin nitong ganda. Hindi niya masisi si Devlin na panghinayangan ito. At hindi rin niya masisi si Jaxon na mabihag ng alindog nito.
Aminado siya sa simula nang maging modelo nila si Danille ay dumami ang nagpapa-endorso sa kanila ng mga produkto. Totoo naman kasing napakaganda ng babaing ito.
At si Jaxon naman ay magaling na talent manager. Magiging malaking kawalan sa kanyang kompanya kung mawawala ang dalawa.
Tama ang naging pasya niya na hindi dapat pagsamahin ang trabaho sa personal na problema.
____________________§§§_________________
NAHINTO siya sa ginagawa nang bumungad sa pinto ng kanyang opisina si Jaxon. Hapis na hapis ang mukha nito. Bakit naging ganito ang anyo ng lalaki. Mahigit isang buwan lang siyang nawala ay parang kay laki na nang ipinagbago nito.
"Hi!" bati nito sa kanya.
Pilit na ngumiti siya dito. "May kailangan ka sa akin Jaxon?" tanong niya dito na hindi kababakasan ng galit o ano mang damdamin para sa lalaki.
"Maaari ba tayong mag-usap?" tanong nito sa kanya.
"Nag-uusap na tayo, Jaxon," nasa tinig niya ang hindi maitagong galit para sa lalaki.
"I mean, iyong tayong dalawa lang," sagot nito na nasa tinig ang pakiusap.
Umiling siya. "Kung tungkol sa relasyon natin ay wala na tayong dapat pag-usapan pa. Tinapos mo na 'yon di ba?" tanong niya na nasa tinig ang panunumbat.
"I want to win you back, Lilac," daing nito sa kanya.
Muntik na siyang matawa sa naririnig. "Hindi ganoon kadali ang sinasabi mo, Jaxon." Naiiling niyang sagot dito. Gusto niyang batuhin ng hawak na folder ang lalaki. Ang kapal naman ng mukha nito para sabihin iyon. Ano siya isang laruan na matapos iwan ay babalikan kung gusto nito. Hmmmmp....ano siya sinuswerte.
"I love you, Lilac," hindi paawat na sabi nito na nasa tinig ang pagsuyo na parang sa pamamagitan ng matatapis na salita ay agad siyang aamo at babalik dito.
Napapiksi siya. Kumawala ang pinaghalong galit at lungkot sa dibdib. "It's easy to say, Jaxon. Pero kung mahal mo ako. Hindi mo ako sasaktan," sabi niya dito na nasa tinig niya ang nakatagong galit dito.
Hindi ito nakakibo sa sinabi niya. "Kung wala kang kailangan tungkol sa trabaho. Maaari bang iwan mo na ako?" sabi niya sa nakikiusap na tinig pero nandoon ang tatag.
✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️
M👀dyAze's note ☕
٩(๛ ˘ ³˘)۶♥ Thank you for reading.
✔️ Please Like.
✔️ Please Vote.
💡 Also comment.
BINABASA MO ANG
LILAC (COMPLETED)
Romance👀Kapag nahuli mo ang iyong boyfriend na may ibang kinakalantari sa kama anong gagawin mo? A. Umiyak at Magsisigaw. B. Pagbuhol-buholin mo ang dalawa. C. Dedma walking. D. None of the above. E. Basahin niyo po para malaman. ☕ Novice writer po...