Chapter 2.3 🌸

841 22 0
                                    

"SALAMAT at pinaunlakan mo akong makasama ka sa hapunan, Lilac," sabi ni Rosauro nang lumapit siya dito.

Tumayo ito at humila ng isang silya upang doon siya maupo. "Mahirap tumanggi sa kabutihang loob mo," nakangiti niyang sagot dito habang umuupo.

Napakunot ang noo niya nang makitang dalawang pinggan lang ang nakahain. "Tayong dalawa lang ba ang maghahapunan?" ang takang tanong niya sa binata.

"Oo, dahil tayong dalawa lang ang nandito sa mansyon," ang sagot naman nito.

"Nagpuntahan na ba silang lahat sa servants quarter? Hindi kasi nagpaalam sa akin si Nana Conching," sabi niya habang kumukuha ng kanin sa bandehado.

Inabot naman sa kanya ni Devlin ang piggan na may lamang ulam. Adobo, pork steak at sinigang na baboy ang nakahain sa mesa.

Nilagyan siya nito ng sopas sa tasang nasa tabi niya. "Salamat," kimi niyang sabi.

"Saan ka nakatira sa Maynila, Lilac?" tanong ni Devlin sa kanya.

"Sa New Manila, nakikitira ako sa isang pinsan," sagot niya sa pagitan ng pagsubo.

Napatango ito. "Hindi ka ba nagpunta dito para guluhin ang pananahimik ko?" tanong nito sa kanya.

Nabigla at napakunot ang noo niya sa narinig. "Bakit ko naman nanaising guluhin ang pananahimik mo? Takang tanong niya.

Sa isip ni Lilac, "tch! conceited masyado itong lalaking ito, hmmmp!"

"Hindi ka ba isang reporter na nagpapanggap lang?" usig nito na tila ba sa isang imbestigador.

Umiling siya. "Okey fine for your peace of mind at ng hindi mo ako pinaghihinalaan ng kung anu-ano, aaminin ko na ang totoo. Nandito ako para tumakas sa isang kabiguan," sagot niya sa malungkot na tinig.

Napaunat ito sa pagkakaupo. "Kabiguan sa pag-ibig?" prangka nitong tanong sa kanya.

Napatango siya. Sabay kuha ng isang basong tubig sa may tabi niya at ininom ito.

Pagkatapos ay tumitig siya kay Devlin sabay hingang malalim. "Nahuli ko ang boyfriend ko na may katabing babae sa kama," sabi niya sa may gumagaralgal na tinig.

"Hindi na ako nakapag-isip ng matino ng makita ko ang tagpong iyon ay nagmamadali akong umalis. Hindi din ako nagpaalam sa aking pamilya. At maging si Nana Conching ay nagulo ko tuloy. Pati narin ikaw. Sorry," sabi niya sabay yuko upang hindi makita ng binata ang kanyang impit na pag-iyak.

"I'm so sorry, Lilac kung muli kong naipaalala sa iyo kung bakit nasaktan ang damdamin mo. Wag kang mag-alala, malaya kang makakatigil sa mansyon na ito." nakangiti nitong tungon sa kanya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Lilac sa pagngiti nito. "Shit! kagagaling ko lang sa isang break-up tapos ito ako naa-attract sa isang ngiti di' magandang senyales ito baka isipin pa nito na kaladkarin ako." ang bulong ni Lilac sa kanyang isip.

✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️

M👀dyAze's note ☕
٩(๛ ˘ ³˘)۶♥ Thank you for reading.
✔️ Please Like.
✔️ Please Vote.
💡 Also comment.

LILAC (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon