MARAMI nang tao silang dinatnan doon. Bawat isa ay nagsibati sa kanila. At namukhaan niya ang ilan sa mga ito. Ang nakasabay niya sa jeep. Ngumiti siya sa mga ito.
Inalalayan siya ni Devlin sa pagbaba. Nilapitan niya si Willy. "Kumusta ka na Willy," nakangiting sabi niya sa lalaki.
Ngumiti ito sa kanya at pagkatapos ay tumingin kay Devlin. Nakita niyang tumango si Devlin saka lang bumaling si Willy ng tingin sa kanya.
"Kailangan pa bang humingi ka ng permiso kay Devlin para lang sagutin ako, Willy?" inis niyang tanong dito.
"Bisita ka ng mga Salvador, Lilac. Hindi magandang tignan na nakikipag-usap ka sa tulad namin," sagot ni Nana Rosa.
"Para sa akin, pantay-pantay ang lahat. Mayaman man o mahirap," nakangiti niyang sabi.
Tumulong siya sa paghahain. Hindi naman nakatanggi si Nana Rosa.
Nakatingin lang si Devlin sa ginagawa ni Lilac. Hindi niya maintindihan ang ginagawa ng babae. Bakit ito nakikihalubilo sa mga utusan?
___________________§§§__________________
"HINDI ko gusto ang pakikipag-usap mo sa mga magsasaka, Lilac," sabi ni Devlin nang magkasarilinan sila.
Napaunat siya sa pagkakaupo nang marining ang sinabi ng binata. Inis na tinignan ito. "Walang mali sa pakikipag-usap ko sa kanila Devlin. Gusto ko silang maging kaibigan." sagot ni Lilac kay Devlin.
"Hindi ang uri nila ang dapat mong kaibiganin, Lilac," may diin sa tinig na sabi nito sa kanya.
Inis na tumayo siya at iniwan ito. "Nag-uusap pa tayo, Lilac," galit na sabi nito sa kanya.
"Ayaw kong makipag-usap sa isang tulad mong diktador at matapobre. Hindi mo ako utusan, Devlin. Wala kang karapatang iutos sa akin ang dapat kong gawin," galit niyang sabi at sumakay sa kabayo. Pinatakbo niya iyon na hindi kasama si Devlin.
Nakita ni Devlin ang ginawa ni Lilac. Agad itong sumakay sa kabayo at sinundan ang dalaga.
___________________§§§__________________
NAKITA ni Lilac na ang tutunguhin niya ay bangin. Mahigpit na hinawakan niya ang renda para huminto ang kabayo.
Umalma ito. Naramdaman na lang niyang nakabitaw siya at bumagsak sa lupa.
"Lilac," sigaw ni Devlin. Natakot ito nang makita ang duguang dalaga. Nagmamadaling bumaba ito ng kabayo at dinaluhan ang dalaga.
Napangiwi si Lilac nang makita si Devlin. "Ikaw ang may kasalanan kaya nahulog ako," galit niyang sabi dito. May sugat siya sa braso at binti.
Hindi pinansin ni Devlin ang sinasabi niya. Nilapitan siya nito at inalalayan.
"Anong masakit sa iyo?" nag-aalalang tanong ng binata sa kanya.
"Masakit ang balakang ko," daing niya dito.
Sinuri ni Devlin ang dalaga. Inalalayang maupo. "Makakaya mo bang tumayo?" nag-aalalang tanong nito ulit sa kanya.
Nang tangkain niyang tumayo ay napayakap siya sa binata. Natigilan siya nang maramdaman ang init na nagbubuhat sa katawan nito. Init na tumagos sa telang nakapagitan sa kanila. Init na tila dumadaloy sa kanyang kalamnan at naglakbay sa kanyang ugat patungo sa kanyang puso. Bumilis iyon na higit sa normal. Gusto niyang itulak si Devlin pero hindi niya magawa dahil baka muli siyang bumagsak. Kaya wala siyang nagawa kung hindi ang kumapit sa leeg nito nang buhatin siya ng binata.
"Saan mo ako dadalhin?" taka niyang tanong nang isakay siya nito sa kabayo.
"May malapit na kubo dito. Doon muna kita dadalhin. Kailangang makapagpahinga ka muna bago umuwi." sagot nito.
Habang sakay sila ng kabayo ay nakasandal siya sa dibdib nito. Gusto niya ang amoy ni Devlin. Lalaking-lalaki.
Nakadama siya ng panghihinayang nang sapitin nila ang kubo. Pakiramdam kasi niya ay ayaw niyang matapos ang pagkakadikit ng kanilang katawan.
May nadarama siyang hindi maipaliwanag nakasiyahan. Pakiramdam kasi niya ay ligtas siya kapag nakakulong sa mga bisig nito.
"Di' kaya ay nagkakagusto na siya sa binata?" Hindi maari ang deny ni Lilac sa sarili.
✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️
M👀dyAze's note ☕
٩(๛ ˘ ³˘)۶♥ Thank you for reading.
✔️ Please Like.
✔️ Please Vote.
💡 Also comment.
BINABASA MO ANG
LILAC (COMPLETED)
Romance👀Kapag nahuli mo ang iyong boyfriend na may ibang kinakalantari sa kama anong gagawin mo? A. Umiyak at Magsisigaw. B. Pagbuhol-buholin mo ang dalawa. C. Dedma walking. D. None of the above. E. Basahin niyo po para malaman. ☕ Novice writer po...