Chapter 8.2 🌸

731 15 0
                                    

"GUSTO ko nang bumalik ng Maynila, Yaya," paalam niya.

Nagtatakang nilapitan siya ng matandang babae. "Alam ba ni Devlin?" tanong nito sa kanya.

Umiling siya. "Kapag nalaman niya ay nasisiguro kong pipigilan niya ako, Yaya. Kagabi narinig ko ang pag-uusap nila ni Revo. Hindi niya malaman kung sino sa amin ni Danille ang pipiliin." daing niya.

"Hangal si Devlin kung pipiliin niya ang taksil na babaing iyon," gigil na sagot ni Nana Conchita.

"Kayo na po ang bahalang magsabi sa kanya," sabi niya sa gumagaralgal na tinig.

"Hindi ka ba papipigil?" naiiyak na tanong ni Nana Conchita.

Umiling siya. "Natatakot akong harapin ang kabiguan ko kay Devlin, Yaya," daing at iyak niya.

Naaawang niyakap siya nito.

____________________§§§_________________

GULAT na gulat ang mga pinsan niya nang sumulpot siya sa kanilang bahay. Lahat ay nagsipaglapitan sa kanya at pinugpog siya ng halik.

"Kumusta na ang adventurera?" nakangising tanong ni Cy sa kanya.

"Masaya," pilit ang ngiting sagot niya

Nilapitan siya ni Vera. "You don't look happy, Lilac. Hanggang ngayon pa ba ay nasa isipan mo pa rin ang walanghiyang Jaxon na iyon?" galit na usig nito.

Umiling siya. "It's not Jaxon, Vera. It's someone else......I fall in love with another guy in Davao," tila maiiyak na sagot niya

"Teka, ikuwento mo nga ang pangyayari," hindi nakatiis na salo ni Seth sa usapan.

Napatitig siya sa pinsan. "Kuya Seth, kumusta ka na?" tuwa niyang tanong dito sabay yakap dito.

Sa dibdib nito siya umiyak. Hinayaan lang siya nito habang hinahaplos ang kanyang buhok.

"Sorry," sabi niya dito matapos na umiyak.

"It's okey, binasa mo lang naman ang t-shirt ko," nakatawang sagot nito.

Napatitig siya dito. "Are you fully recovered?" tanong niya.

"Yes, Lilac at may additional bunos pa," sabi nito sabay turo sa isang babae at batang naglalaro sa swimming pool.

Tinitigan niya ang babae. "It's Crystal Rodriguez, the supermodel," hindi makapaniwala niyang bigkas. The woman is beautiful in her swimsuit.

"And my daughter Carrie," nakatawang sagot ni Seth. "Salamat naman at nagbalik ka na, Lilac. I want you to be one of my secondary sponsors on our wedding," galak na sabi ni Seth.

Napangiti siya ng malapad sa sinabi ng pinsan at muling tinapunan ng sulyap ang mag-inang naglalaro.

Mabuti pa si Crystal, natagpuan na ang tunay na kaligayahan. Siya kaya kailan?

✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️

M👀dyAze's note ☕
٩(๛ ˘ ³˘)۶♥ Thank you for reading.
✔️ Please Like.
✔️ Please Vote.
💡 Also comment.

LILAC (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon