Chapter 1.2 🌸

1.1K 34 4
                                    

MABILIS siyang lumabas ng silid.

"Lilac," tawag ni Jaxon sa kanya.

Hindi niya ito pinansin. Hinila ang dalang luggage at nagmamadali ang mga hakbang na patungo sa elevator.

Papasara na ang pinto ng elevator ng harangin ito bigla ni Jaxon. "Lilac, please let me explain," ang nakikiusap na sabi ni Jaxon sa dalaga.

Matiim niyang tinignan ang binata. "You don't need to explained yourself, simula sa araw na ito break na tayo. At please lang huwag muna ipakita yang pagmumukha mo sa akin. Nandidiri ako sa kababuyan niyo." ang sambit ni Lilac dito.

Natigilan at hindi nakakibo si Jaxon sa narinig mula sa dalaga at dahil dito hindi niya napansin ang pag-sara nang pinto ng elevator.

Humugot siya ng buntong-hininga para mawala ang bigat na nasa kanyang dibdib.

Saan siya pupunta ngayon? Nasisiguro niyang hindi siya lulubayan ni Jaxon hangga't hindi siya nakakausap ng binata. Natatakot din siyang umuwi dahil siguradong pagkakaguluhan siya ng kanyang pamilya at mga pinsan. Nahihiya siya kay Cy dahil napagbintangan niya itong naninira ng relasyon dahil ayaw nito kay Jaxon sa simula pa lang. She really feels guilty.

Tumawag siya ng taxi. Ilang sandali lang ay tuluyan na siyang nakaalis sa lugar na yon. Kasalukuyan siyang nasa airport.

Babalik ba siya sa Manila? Nalilito siya. Hindi dapat siya makita ng kanyang Kuya Seth sa ganitong kalagayan. Hindi niya nais magulo ang isipan ng pinsan sa kanya.

Bigla niyang naalala ang kanyang Yaya Conchita Ten years old siya ng umalis ito sa kanila dahil nakapag-asawa na ito. Dinala ng asawa ito sa Davao upang doon na tuluyang manirahan. Naka-promise siya sa kanyang yaya na dadalawin ito sa Davao at ito na nga ang chance niya na puntahan ito.

Kinuha niya ang kanyang cellphone sa dalang bag at tinawagan si Cy. "Cy," ang paos niyang tawag sa pangalan ng pinsan.

"Lilac, asan ka na ba?" tanong nito. "Sabi ni Tita Lucy na andito ka raw sa Maynila?" nag-aalalang sabi nito.

"No i'm not in Manila right now nasa Cebu ako ngayon." ang tugon niya sa pinsan. "Cy nakita ko si Jaxon with Danille. I saw the both of them naked sa penthouse ni Jaxon." tila batang sumbong niya sabay impit na umiiyak.

Lumunok siya ng makailang beses upang mawala ang pagbabara ng lalamunan na dala ng pag-iyak. "I'm leaving again. Cy. Pupunta ako ng Davao, do you remember Yaya Conchita?"

"Yeah," agad nitong sagat.

"Sa kanya muna ako tutungo. I need a place to breath right now baka bigla ako sumabog."

"Okey, you take care cousin dear and call me when you are there already." Cy reminds her.

"Don't tell mom about what happened. I'll just tell her na namiss ko si yaya kaya ako pumunta ng Davao to visit her." ang bilin niya dito.

"Don't worry cousin I will." ayon na sagot ni Cy.

"Thanks, bye," paalam niya dito sabay pindot ng endcall button ng kanyang cellphone.

Habang nakaupo sa upuan sabay hintay ng kanyang flight pa Davao naisip niya.

Should she keeps thinking about Jaxon?

"Better not," sigaw ng kanyang isipan.

✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️

M👀dyAze's note ☕
٩(๛ ˘ ³˘)۶♥ Thank you for reading.
✔️ Please Like.
✔️ Please Vote.
💡 Also comment.

LILAC (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon