Chapter 4.2 🌸

729 20 0
                                    

DAHAN-DAHAN siyang inilapag ni Devlin sa kama na naroroon. Maliit lang ang kubo pero kumpleto sa gamit.

"Dito ka muna, tatawag lang ako ng doctor," paalam nito sa kanya.

Hinawakan niya ito sa braso. "Natatakot akong mag-isa," sabi niya dito.

Hinaplos siya nito sa noo. At pagkatapos ay hinagkan siya nito doon. Napapikit siya sa ginawa ng lalaki.

"I will be back. Don't worry safe ka dito," masuyo nitong sabi.

Napatango na lang siya. Hinubad nito ang suot niyang sneakers bago siya iwan.

Makirot ang kanyang balakang. Nang tangkain niyang gumalaw ay napapasigaw siya sa sakit.

Hindi na siya uli sasakay ng kabayo na mag-isa. Pumikit siya para makatulog. Ilang sandali pa at nakaidlip siya.

Sa kanyang panaginip pakiramdam niya ay may humahalik sa kanyang mga labi. At gusto niya ang tamis na dulot ng halik na iyon.

Napaungol pa siya nang mawala ang labing iyon sa kanyang mga labi. Marahang haplos sa kangyang pisngi ang gumising ng tuluyan sa kanyang diwa. Nakangiting mukha ni Devlin ang pumalit.

"Devlin," mahina niyang sambit sa pangalan nito.

"Nandito na ang doctor," masuyo nitong sabi sa kanya.

Nang tangkain niyang bumangon ay napangiwi siya sa sakit. Napahawak siya sa braso nito. Agad namang tumabi ito sa kanya.

Sinuri ng doctor kung malaki ang naging pinsala sa kanya a pagkakahulog sa kabayo.

"Wala namang nabaling buto," nakangiting sabi ng Doctor. "Nabugbog lang ang kanang bahagi ng kanyang balakang pero huwag mo muna siyang palalakarin, Devlin," bilin ng doctor sa binata.

"Mga ilang araw kaya ito, Doktor?" tanong niya sa manggagamot.

"Isang buwan," agad na sagot ng doctor.

"Isang buwan akong hindi maglalakad?" hindi makapaniwalang sabi niya

Kailangan ba siyang bumili pa ng wheelchair para makalibot sa mansyon? Tanong niya.

"Don't worry, akong bahala," bulong ni Devlin sa kanya.

___________________§§§__________________

NAGTATAKANG sinalubong sila ni Nana Conchita nang makitang pangko siya ni Devlin.

"Anong nangyari?" takang tanong nito sa kanila.

"Nahulog po ako sa kabayo," agad niyang sagot.

"Susmaryosep na bata ka. Hindi ka nag-iingat," nag-aalalang sagot nito.

Sumama hanggang sa silid niya si Nana Conchita. "Wala bang nabaling buto?" tanong nito sa kanya.

"Nabugbog lang po," nakangiting sagot niya.

"Tulungan mo siyang magbihis, Nana Conchita," utos ni Devlin sa matandang babae.

"Sige," ayon nito.

"Kung gusto mong magpunta sa banyo, ipatawag mo lang ako kay Nana Conchita." sabi nito.

"Iba na lang kaya ang utusan mong bumuhat sa akin," sabi niya dito.

"Kasalanan ko ang pagkakahulog mo sa kabayo. Kaya ako ang may karapatang gumawa noon para sa iyo," may diin sa tinig na sabi nito. "At saka ayokong may ibang humawak sa iyo," pabulong nitong sabi sabay tayo at lumabas ng silid.

Natigilan siya habang sinusundan ito ng tingin. Naninibago siya sa ikinikilos ni Devlin.

✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️

M👀dyAze's note ☕
٩(๛ ˘ ³˘)۶♥ Thank you for reading.
✔️ Please Like.
✔️ Please Vote.
💡 Also comment.

LILAC (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon