Chapter 4.5 🌸

707 16 0
                                    

"SINUBUKAN mo na namang lumakad?" may galit na tanong nito sa kanya habang inilalapag siya sa kama.

"Akala ko kasi kaya ko na," katwiran niya.

Hindi ito kumibo. Sinuklayan siya ni Nana Conchita. "Gusto mo na bang mag-almusal?" Tanong ni Nana Conchita.

Hindi siya sumagot. Bumaling siya kay Devlin. Huling-huli niyang matiim na nakatitig ito sa kanya.

"Devlin," tawag niya dito.

"May kailangan ka?" tanong nito sa seryosong tinig.

"Maaari bang ibili mo na lang ako ng wheelchair para hindi ka na mahirapan sa pagbubuhat sa akin? Babayaran ko na lang sayo..." halos pabulong na sagot niya.

"Be practical, Lilac. Sayang lang ang wheelchair. One month lang ay makakalakad ka na." ang turan ng binata.

"Pero naaabala kita," katwiran niya.

"Magrereklamo ako kung nakakaabala ka. Saan mo ba gustong pumunta?" tanong nito sa kanya.

"Gusto kong mag-almusal sa tabi ng poolsite," nakangiting hiling niya dito.

"Nana Conchita magpahanda kayo ng almusal para sa dalawang katao. Sabay kaming mag-brebreakfast ni Lilac," nakangiting sabi nito sabay tayo at nilapitan siya.

Muli ay binuhat siya nito.

Hindi siya makatingin sa mga katulong na nabungaran nila sa labas ng mansyon. Bakas kasi sa mukha ng mga ito ang pagtataka dahil buhat-buhat siya ni Devlin.

Nakasunod pa rin ang mga titig ng mga ito nang ilapag siya ng binata sa upuan.

"Salamat," nakangiting sabi niya.

Nang ihain ang almusal ay magana siyang kumain dahil kasabay niya ang lalaking muling nagpatibok ng kanyang puso

Natigilan siya. Kay dali naman yatang napalitan sa puso niya si Jaxon.

✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️

M👀dyAze's note ☕
٩(๛ ˘ ³˘)۶♥ Thank you for reading.
✔️ Please Like.
✔️ Please Vote.
💡 Also comment.

LILAC (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon