Chapter 2.5 🌸

819 18 0
                                    

"BAKIT hindi ka pa natutulog," puna ni Devlin kay Lilac.

Nakita niyang biglang nagpahid ito ng luha bago humarap sa kanya. "Ikaw bakit hindi ka pa natutulog?" ganting tanong ng dalaga.

Nakita ni Lilac na bigla itong natigilan pero agad din naman na nakabawi. "Hindi pa ako dinadalaw ng antok," katwiran nito.

"Pareho lang tayo," sagot niya sabay titig sa kalangitan.

"Nakausap ko ang kaibigan kong si Sky Salcedo," sabi nito sa kanya.

Bigla siyang napatuwid sa pagkakatayo nang marinig ang sinambit ng binata sa kanya. "Pina-imbestigahan mo pala ako," ang may diin salitang sagot niya dito. Nasa mata niya ang galit. Nakalimutan niya na kaharap niya ang panginoon ng haciendang tinutuluyan.

"Sinabi mo ba kung nasaan ako nakatira ngayon?"usig niya na may diin na tinig.

Umiling ito. Nawala ang galit sa kanyang mukha. "Salamat," tipid niyang sabi dito.

"Pasensiya ka na kung inalam ko ang tunay mong pagkatao. Hindi kasi ako kumbinsidong kamag-anak ka ni Nana Conchita," nakangiting sabi nito sa kanya.

Napatango siya. "Karapatan mong gawin iyon at nararamdaman ko naman na nawalan ka ng tiwala sa kapwa mo," pasaring niya dito.

"Minsan na akong nagtiwala, Lilac," ang malamig at galit nitong sagot.

✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️

M👀dyAze's note ☕
٩(๛ ˘ ³˘)۶♥ Thank you for reading.
✔️ Please Like.
✔️ Please Vote.
💡 Also comment.

LILAC (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon