MARAHANG haplos sa kanyang pisngi ang gumising sa diwa ni Lilac. Napadilat siya. Unang natunghayan ng mga mata niya ang guwapong mukha ni Devlin. Halos nakadikit na iyon sa kanyang mukha
"Good morning," nakangiting bati nito sa kanya.
"Good morning," namumula niyang sagot. Naalala pa kasi niya ang ginawang paghalik nito sa kanya.
Bumangon iyo at binuhat siya. "Do your morning ritual," sabi nito sa kanya nang ilapag siya nito malapit sa toilet bowl.
"Salamat," sabi niya dito.
Napatango ito at lumabas.
___________________§§§__________________
HABANG pinagmamasdan ni Devlin si Lilac na masayang nakikipag-usap kay Nana Conchita ay hindi niya mapigilan ang mapabuntong-hininga. Aminado siya sa sarili na muli na naman siyang humanga sa isang kalahi ni eva. Kagabi nang hagkan niya ang natutulog na dalaga ay natuklasan niyang umiibig siya dito.
Nang bumaling sa kinaroroonan niya si Lilac ay kumaway ito sa kanya na ginantihan naman niya rin ng kaway.
"Hahayaan na naman ba niya ang sariling magmahal at mabigo?" Bulong niya sa sarili.
___________________§§§__________________
NAGTATAKA si Lilac nang hindi makita si Devlin sa paligid. Umalis ba ito? Bakit hindi nagpaalam sa kanya? Bakit hinahanap niya ang presensiya ng binata? Bigla ay nakadama siya ng takot sa natuklasan. Umiibig na naman ba siya uli?
"Paano kung mabigo na naman siya?" naiusal niya sa sarili.
Bumukas ang pinto ng kanyang silid. Napangiti siya pero agad ding nawala iyon dahil si Nana Conchita ang bumungad at hindi si Devlin.
"Gusto ko pong pumunta ng banyo," sabi niya sa matandang babae. "Maaari po bang alalayan ninyo ako?" nakangiting pakiusap niya.
"Kaya mo na bang tumayo?" nag-aalalang tanong nito sa kanya.
"Yaya kung hindi ko pipiliting gumalaw at umasa lang kay Devlin ay baka hindi na ako makalakad. Tulad ngayon Tanghali na wala pa rin," nagmamaktol na sabi niya sa matandang babae.
"Hey, did I just heard my name mention?" nakangiting salo ni Devlin sa usapan.
"Good morning po, Sir," agad na bati ni Nana Conchita.
Hindi siya kumibo. Nilapitan siya ni Devlin at kinarga. "Galit ka ba?" tanong nito sa kanya.
Hindi siya umimik. "Sorry kung tanghali na kita pinuntahan. May problema kasi sa flower plant. Inasikaso ko muna." paliwanag nito.
"Sana nagbilin ka kay Nana Conchita para iba na lang ang bumuhat sa akin," inis niyang sagot.
"Sorry," hingi nito ng paumanhin at dahan-dahan siya nitong inilapag. Tahimik na lumabas ng banyo. Agad naman siyang naligo. Tapos na siyang maligo at nakatapis lang ng tuwalya nang matuklasan niyang hindi pala niya naipahanda kay Yaya ang mga kanyang susuutin.
"Nana Conchita," tawag niya.
Bumukas ang pinto. Sumungaw ang mukha ni Devlin. "Tapos ka na?" tanong nito.
Hinapit niya ng mahigpit ang tuwalya sa katawan. "Puwedeng pakitawag si Nana Conchita?" nakikiusap niya sabi dito. "Wala kasi akong damit dito sa loob ng banyo." mahinang tinig niya.
Hindi pa rin tumitinag si Devlin. Tila namamalikmatang nakatitig sa kanya.
"Devlin," tawag niya dito. Saka lang para itong nagising sa pagkakatulog.
"Sa-sandali, tatawagin ko lang si Nana Conchita," tarantang paliwanav nito.
Ilang sandali pa at bumungad na si Nana Conchita at tinulungan siyang magbihis.
"Alalayan mo na lang akong maglakad, Yaya," sabi niya dito.
Sinubukan niyang humakbang. May sakit na gumuhit sa kanyang balakang. Dalawang araw na ang bugbog na natamo niya pero pakiramdam niya ay parang hinihiwa ang kanyang kalamnam.
Napakapit siya ng mahigpit sa kanyang Yaya. "Hindi ko po pala kaya," daing niya.
"Sir," tawag ni Nana Conchita. Agad namang lumapit sa kanila si Devlin at kinarga siya.
✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️
M👀dyAze's note ☕
٩(๛ ˘ ³˘)۶♥ Thank you for reading.
✔️ Please Like.
✔️ Please Vote.
💡 Also comment.
BINABASA MO ANG
LILAC (COMPLETED)
Romance👀Kapag nahuli mo ang iyong boyfriend na may ibang kinakalantari sa kama anong gagawin mo? A. Umiyak at Magsisigaw. B. Pagbuhol-buholin mo ang dalawa. C. Dedma walking. D. None of the above. E. Basahin niyo po para malaman. ☕ Novice writer po...