Chapter 10.1 🌸

771 15 0
                                    

ALAS SINGKO na ng hapon. Laking gulat niya nang makita sa lobby si Jaxon.

Agad na lumapit ito sa kanya. "Maari bang mag-usap tayo uli?" tanong nito sa kanya.

"Jaxon. Wala na tayong dapat pang pag-usapan," galit niyang sabi dito.

"Just for once, Lilac," nasa tinig nito ang pakikiusap.

"Isang bagay lang ang gusto kong ipakiusap sa iyo, Jaxon. Leave me alone," galit niyang sabi dito at humakbang palabas ng building.

Naudlot siya sa paghakbang nang makita si Danille. Mugto ang mga mata ng babae.

"Makipagkita ka kay Calli, Danille. Kailangan pa ng ibang shots para
sa isa mong commercial," sabi niya dito at tinungo na niya ang kinapaparadahan ng kotse niya.

"Hate me, Lilac," sabi nito sa kanya.

Bumaling siya dito. "I can't hate you, Danille. Dahil kung hindi mo inagaw sa akin si Jaxon. Hindi ko makikilala si Devlin. Ang dapat ko ngang gawin ay magpasalamat sa iyo dahil nakilala ko ang lalaking dapat mahalin ko habang buhay," nakangiting sabi niya dito.

Napatitig sa kanya si Danille. "Nasa condominium ko si Devlin, Lilac. Lasing na lasing," pagbabalita niya.

"Masaya ka na ba? Bumalik siya sa iyo?" tanong niya dito.

Umiling ito. "Pangalan mo ang isinisigaw niya. Ang hindi ko alam ay bakit, galit na galit siya sa iyo at kay Jaxon. Ano ba ang nangyari?" tanong nito.

"Nakita niya kaming magkayakap ni Jaxon," agad niyang tugon.

"Nandito si Jaxon?" takang tanong nito.

"Oo, nasa loob iniwan ko. He wants to win me back pero tumanggi ako. Hindi ko na siya mahal, Danille. He is all yours," pagkasabi noon ay iniwan niya ito.

✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️

M👀dyAze's note ☕
٩(๛ ˘ ³˘)۶♥ Thank you for reading.
✔️ Please Like.
✔️ Please Vote.
💡 Also comment.

LILAC (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon