Chapter 1.5 🌸

962 26 0
                                    

HABANG naglalakbay ay napapangiti siya. Nawala na kasi ang maalikabok at lubak-lubak na daan. Imbes ay napalitan na ito ng sementadong daan na may nakatanim na malalaking puno at bulaklak sa gilid. Na tila ba ay nagkakamay sa isat-isa ang mga sanga nito kapag gumagalaw sa ihip ng hangin.

"This place is amazing," hindi niya napigilang sambit.

Napalingon tuloy sa kanya ang lalaki. "Who are you, young lady?" ang tanong nito.

Napangiti siya dito. "Akala ko wala ka nang balak na makipag-usap sa akin," tuwa niyang sagot dito.

"Dapat ko lang sigurong malaman kung sino ang bagong bisita namin ngayon dito sa Hacienda Salvador." ang sagot naman nito.

"I'm Lilac Salcedo," pakilala niya. "Pamangkin ako ni Conchita, na asawa ni Ramon Santi."

Napatango naman ito. "I'm Devlin Salvador."

Maang siyang napatitig dito. "Ikaw ang amo nila? Ang may-ari ng Hacienda?" gulat na tanong ni Lilac dito.

Napatango ito ulit at muling itinutok ang mga mata sa daan. "Ano naman ang kailangan mo sa mag-asawa?" tanong ni Devlin sa kanya.

"I wanted to visit them," she answered right away.

Umungol lang ito. Hindi na nagkomento pa. Binusog naman niya ang mga mata sa magagandang tanawin na dinaraanan.

Napakaraming bunga ang mga punong mangga. Pag-aari ng mga Savador ang lahat ng ito? Sobrang yaman siguro nila.

Kitang-kita niya sa mukha ni Yaya Conchita ang tuwa at pagkagulat nang makita ang dalaga.

"Lilac," tuwang sambit nito sa kanyang pangalan at bigla siya nitong niyapos ng yakap.

"How are you Ya......Nana Conchita?" mabilis niyang bawi sa sinabi sabay ganti ng yakap dito.

"Salamat naman at naalala mo akong dalawin," tuwang sabi nito nang kumalas na sa pagkakayakap.

Nakadama siya ng guilt. Noon pa man ay nakapangako na siya na dadalawin ito pero hindi matuloy-tuloy dahil sa sobrang busy niya sa trabaho. Kung hindi pa siya nagkaproblema sa boyfriend ay hindi pa niya maalala ang kanyang Yaya Conchita.

"Patawad po, Nana Conchita. Ngayon lang kasi ako pinayagan na magbakasyon ng boss ko," agad niyang paliwanag.

Nagtatakang napatitig ito sa kanya. "Sales lady po ang pakilala kung trabaho sa kanila," sabay bulong niya dito.

Napatango ito sa kanya. Lumapit si Devlin sa kanila. "Doon na kayo sa loob mag-usap Nana Concita," utos ni Devlin. "Bigyan mo na rin siya ng makakain. Pagod siya sa mahabang paglalakad," nakangiting sabi ni Devlin.

"Thank you po Sir," sabi ni Nana Conchita dito at niyaya na siya nito sa loob.

"Nana Conchita, ibigay niyo po sa kanya ang isa sa mga guest room natin," utos nito ulit.

Nagtataka man ay napatango nalang si Nana Conchita. "Masusunod po, Sir."

Tinanguan lang siya nito at pumihit na papasok sa loob ng mansyon.

✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️

M👀dyAze's note ☕
٩(๛ ˘ ³˘)۶♥ Thank you for reading.
✔️ Please Like.
✔️ Please Vote.
💡 Also comment.

LILAC (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon