Chaptet 3.3 🌸

765 16 0
                                    

MULA sa kinatatayuan ay kitang-kita ni Devlin ang magandang tanawing iyon sa pool. Ang walang sawang pababalik-balik ng langoy ni Lilac.

Talagang napakaganda ng babae. Mula nang umalis si Danille ay hindi na nagawang mapagtuunan ng pansin ni Devlin ang mga babae. Maraming gustong lumapit at makipagkaibigan sa kanya pero hindi niya iyon pansin.

Not this woman. She has a charm of a goddess. Long black waivy hair, smooth white skin and a body of a beauty queen. Dagdag pa ang hugis pusong mukha nito na may makapal na kilay na tila iginuhit ng eyeliner. Pilikmatang malalantik, ilong na matangos at labing manipis na kay sarap hagkan.

Natigilan sa paglangoy si Lilac. Pakiramdam niya ay may mga matang nakatitig sa kanya.

Napuna niya ang isang bulto na nakatayo sa may pinto sa gawing kusina. Nakita niya si Devlin. Matiim na nakatitig sa kanya.

"Hi!" bati niya dito.

Itinaas lang nito ang hawak na kopita bilang pagbati sa kanya at pumasok na ito sa loob

"Galit ba ito at ginamit niya ang swimming pool?" sa loob-loob niya.

__________________§§§___________________

NAMAMALIKMATANG napatitig si Lilac sa isang bultong papalapit. Devlin is wearing a swimming trunk. Napasinghap siya nang mapagmasdan ang kabuuan nito. Devlin has a body of an athlete. Malapad na dibdib, braso at binting siksik masel. Mahilig siguro mag gym ang lalaki.

Nang tumalon ito sa tubig ay napatulala siya. Makikisabay ba itong maligo sa kanya?

Napasigaw siya nang lumitaw ang ulo nito sa kanyang tabi. "Karera tayo," yaya nito.

"Sige," ayon niya.

"Ang mananalo bibigyan ng halik," nakatawang sabi nito.

"Teka parang ako ang lugi sa premyo ah," reklamo niya. Tumawa ito ng malakas.

Napasilip ang mga katulong nang marinig ang malakas na pagtawa ni Devlin.

"Si Lilac lang pala ang susi para muling sumigla si Devlin," nakangiting sabi ni Nana Conchita.

..............

"AYOKO NA," nakatawang sabi ni Lilac.

"Suko ka na agad?" nakangising sabi ni Devlin sabay saboy ng tubig sa kanyang mukha.

Napatili siya. Inis na hinabol niya ito at kinurot. Tawa ito ng tawa.

"Ako ang winner," sabi nito. "Premyo ko," sabi nito sabay tulis ng nguso.

Inambaan niya ito ng suntok. Natawa Ito.

"Devlin, parang nagugutom ako," daing niya dito.

"Magpapahanda ako ng makakain kay Nana Conchita." Umahon ito para tunguhin si Nana Conchita.

Pagbalik ni Devlin ay nakaupo na siya sa gilid.

Tumabi ito ng upo sa kanya. "Napagod ka?" tanong nito. Inabot sa kanya ang tuwalyang nasa tabi nito.

Kinuha niya iyon at ibinalabal sa katawan.

"Sana ay magtagal ka dito sa Hacienda, Lilac." sabi nito.

"Magtatagal ako dito, Devlin. Maganda ang ipinapakita mong hospitality. Nawiwili na ata ako dito. Baka di na ako bumalik sa trabaho n'yan at dito na lang ako," nakatawa niyang sagot.

"Gusto ko ang sinabi mong 'yan, Lilac," pagkasabi noon ay sinabuyan siya nito ng tubig. Napasigaw siya. Napapatili kapag siya na ang sinasabuyan nito. Pati tuwalya niya ay nabasa. Para silang mga bata.

Natigil ang harutan nila nang dumating si Nana Conchita. Masaya nilang pinagsaluhan ang inihain nitong chicken sandwich at pineapple juice.

✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️

M👀dyAze's note ☕
٩(๛ ˘ ³˘)۶♥ Thank you for reading.
✔️ Please Like.
✔️ Please Vote.
💡 Also comment.

LILAC (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon