Chapter 2.4 🌸

858 19 0
                                    

"DEVLIN puwedeng doon na ako sa servants quarter manatili? Nahihiya ako sa kabutihan mo. Tsaka hindi mo naman ako bisita dito." ang sambit niya sa binata.

"At hindi rin naman kita katulong dito," ang hindi tumatawang tungon nito sa kanya.

"Maaari bang mag-apply ng trabaho dito sa Hacienda? Mabobored lang ako kung wala akong gagawin." sagot ulit niya.

"We better eat first. Saka na natin pag-usapan ang sinasabi mo. For the mean time enjoy your stay here in Salvador Mansion."

Napangiti siya dito. Tumayo at humalik sa pisngi ni Devlin. "Thanks," sabi niya at bumalik na sa upuan, maganang sumubo.

Samantala si Devlin naman ay natitigilang nakatitig sa kanya.

"Napakaganda ng babaeng ito sa aking harapan...at nahihiwagaan ako sa kanya," sabi ng isip ni Devlin habang nakatitig sa kumakaing dalaga. Sa nakikita niyang paraan ng paghawak nito ng kubyertos ay masasabing nag-aral ito. Pati ang paggalaw at pagsasalita ay aral na aral.

Totoo kayang isa itong sales lady lang? Mamaya ay tatawagan niya ang kaibigang si Sky Salcedo. Itatanong niya kung ano ang kaugnayan nang nagpakilalang isang Lilac Salcedo.

✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️

M👀dyAze's note ☕
٩(๛ ˘ ³˘)۶♥ Thank you for reading.
✔️ Please Like.
✔️ Please Vote.
💡 Also comment.

LILAC (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon