EZZY'S POV
Hala!
Akala ko yayakapin pa ko ng online little sister ko pag nakita ko sa personal?!
Pero mali.
Daig pa nya ang kabayo sa bilis tumakbo palayo sakin.!
Sinipat ko muna ang sarili ko sa may salamin na nakadisplay sa may dept store. Gwapo pa din naman ako ah?!. Wala namang nakakatakot sa mukha ko!. Bakit tinakbuhan ako nun?!
Haha nahiya sa kagwapohan ng tinatawag nyang kuya tanda!
Wala na kong inaksaya pang oras at tumakbo na din papunta s direksyon kung saan sya tumakbo. Sayang naman ang effort ng pagbyahe ko para lang makita sya kung hindi kami magkakakilala sa personal.
Haha naalala ko pa yung reaksyon nya kanina habang tumatakbo ko pasunod sakanya.
Gaya ng inaasahan epic! Haha.
Loko loko talaga ang batang yun! Pinagkamalan na kong manyak nung magkachat lang kami tapos hanggang personal pinagkamalan pa rin akong manyak!
Sa lahat ng mukhang manyak naku ako na ang pinaka may inosenting mukha!!!
Napansin ko siyang tumigil at nakahawak pa sa dibdib nya. Ayan hiningal tuloy! Tumakbo ba naman ng pagkabilis bilis eh!
Nang tumigil sya ay pumunta agad ako sa may harapan nya. Dinukot ko ang isang paperbag. Hehe syempre may mga imported chocolates din akong dala pag uwi ko ng pinas.
Naisip ko din namang pasalubungan ang kutong lupa na to' kahit puro panlalait ang ginagawa nya sakin.
"Oh! Surprise ko.." nakahawak na sya ngayon sa dalawa nyang tuhod at itinapat ko naman sa mukha nya ang paper bag na may lamang chocolates.
Umayos sya ng tayo. Tingnan mo at di man lang nagpakipot. Pagkatapos akong takbuhan kahit konting pakipot man lang sa pagkuha sa pasalubong na bigay ko di nya ginawa.
Kinuha nya agad ang paper bag at tiningnan ang loob. Kulang na lang pati mukha nya magmukhang chocolate sa tuwa. Yung mata nya parang kulay ginto ng kakulay ng wrapper ng chocolate eh!
"WOWWWWWW!" sabi pa nya na parang walang nangyaring marathon kanina lang. Feeling close din agad to kahit sa personal. Haha kala ko ako feeling close pero kung makakuha ng dala kong pasalubong kala mo tunay ko talaga syang kapatid.
Biglang nawala ang ngiti at kinang sa mukha nya.
Hala!
Tinalikuran nanaman ako?
Bastos talaga ang batang gurang na to!
Galit kaya siya? Teka! Baka naman akala nito pinagloloko ko sya? Ang alam nya kasi nasa canada ko? Pero obvious naman na kakabalik ko lang ng pinas diba? Kaya nga may pasalubong akong dala!
Pagkatalikod nya ay agad naman akong humarang sa daraanan nya. Nakayuko sya kaya ibinaba ko ang mukha ko para makita ng malapitan ang mukha nya.
BINABASA MO ANG
Age Doesn't Matter (ZyBer)
HumorAng pagmamahal basta na lang nararamdaman, kahit anong pilit mong pagpipigil minsan, matatalo ka lang, mahal mo eh! Minsan nga hindi mo pa alam na mahal mo na pala. Dapat nga bang pagbasehan ang edad o ang kinagawiang relasyon nyo kapag puso na ang...