50. "MAY IBANG NAKALAAN"

2.5K 32 2
                                    

CASS'S POV

Laging nakakulong lang sa kwarto nya si Zelle kapag walang pasok. Lagi syang dinadalaw ng mga kaibigan nya at ni Klein pero wala man lang epekto iyon sakanya. Lumalabas sya para sakanila pero parang hindi naman sya nakakarelate sa mga pag-uusap nila.

Nakakalungkot ang nangyari. Masyado syang nasaktan. Hindi lang dahil sa mahal nya si Amiel kundi dahil din sa sarili nya ang sinisisi nya at sya din ang sinisisi ng pamilya ni Amiel at nang nobya nito.

Nobya. Akala ko ay sya na ang magiging unang boyfriend ng kapatid ko. Boto naman ako kay Amiel dahil kita ko naman talagang mahal nya si Zelle. Pero wala na.

Natrauma na ata ang kapatid ko.

Pabalik-balik sya sa ospital. Halos kulang na kulang na ang oras ng pagtulog nya dahil sa aga nyang gumising at late namang matulog para lang dalawin si Amiel. Naiintindihan ko sya. Naiintindihan kong masakit talaga ang pinagdadaanan nya.

Nasa kwarto lang sya at nagmumukmok. Pumasok ako para dalhan sya ng pagkain. Baka kasi hindi nanaman nya maisipang kumain. "Kain ka muna?" 

"Busog pa ko te.." yan ang palagi nyang sinasabi kapag niyayaya ko syang kumain. Nakasandal sya sa unan at hawak ang paborito nyang story book noong bata pa sya. Panay ang buklat nya sa mga pahina nito at tinitingnan ang larawan ng mga naroon. "Sige na kahit konti lang.." pagpipilit ko pa sakanya.

Sa halip na 'sige na nga' o 'busog pa talaga ko' ang isagot nya ay iba ang sinabi nya sakin. "Te... hindi nya ko kilala te... hindi nya ko maalala.." sambit nya at nag-umpisa nanamang tumulo ang mga luha nya. 

Kaya pala sya ganyan mula ng ihatid siya dito ni Z kahapon.

"Sila na talaga ulit ni Carla.... .si Carla lang ang naalala nya... .namimiss ko na sya te... miss na miss..." itinabi ko sa lamesa ang dala kong pagkain at lumapit ako sakanya. Niyakap ko sya.

Hinaplos haplos ko ang likod nya habang panay ang taas baba ng mga balikat nya. "Lakasan mong loob mo.. .malakas ka diba?? Darating ang panahon at maaalala ka din nya... kapag nangyari yun at sayo sya bumalik... mahal ka talaga nya.. kayo ang para sa isa't isa...." inangat nya ang ulo mula sa balikat ko at tumingin saakin. "Pero kapag hindi sya bumalik sayo.. baka iba ang nakalaan para mahalin ka... para pasiyahin ka... baka iba ang nakalaan na taong talagang mamahalin mo... bata ka pa.. . hindi lang si Amiel ang lalaking nagmamahal sayo..andyan si Klein at si E--- marami ang nagmamahal sayo Zelle... maganda ka at mabait din kahit pasaway... Tama na sa kakaisip sa malungkot na pinagdaanan mo... isipin mo yung masasayang araw na nagkasama kayo... maging masaya ka na lang dahil kahit di ka nya maalala ay ligtas na sya..." puno ng hinagpis ang mga mata nya habang nakatingin ako doon.

Hindi ako sigurado kung tama ba itong mga sinasabi ko sa kapatid ko. Alam ko namang makakayanan nya to. Malakas sya at totoong maraming nagmamahal sakanya.

ZELLE'S POV

Tama nga siguro si Ate.

Age Doesn't Matter (ZyBer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon