ZELLE'S POV
Dahil sa naging pag-uusap namin ni Miel ay naging maayos na ang lahat saamin. Nasaktan man ako dahil nagsinungaling sya saakin ay napatawad ko na sya. Mabigat ang rason nya kung bakit nya ginawa iyon. Isa pa, hindi lang ako ang nasaktan, higit na nasaktan siya, at kasama pa rin ako sa dahilan nya kaya nya nagawa iyon.
Hindi ko sinabi kay Zy ang tungkol sa naging pag-uusap namin.
Nakakaguilty minsan dahil naglihim ako sakanya lalo pa at tungkol iyon kay Miel. Pero pag sinabi ko kasi na nagkaayos na kami ay baka hindi nya magustuhan. Hindi naman sa pagfifeeling pero para kasing pinagseselosan nya si Miel kaya mas minabuti ko na lang ang wag sa kanyang sabihin.
Ilang araw na ang lumipas mula ng magkausap kami ni Miel at normal naman ang lahat saamin ni Zy. Ipinagtaka ko pa nga iyon nung una dahil nagkaroon kami ng kaunting tampuhan pero naayos na lang bigla kahit wala pa man akong ginagawa.
Siguro hindi nya lang talaga ko matiis. Hehe. Nagpapasalamat pa din ako kasi maayos kami ngayon.
Kagaya dati ay sundo at hatid nya pa rin ako sa school. Mas sweet nga sya ngayon at mas ramdam ko yung pag-aalaga nya sakin. Feeling ko tuloy mas nagmukha akong bata.
"Oh lunch mo.. wag kang papagutom ah?" sabi nya sakin habang inaabot ang lunch na luto nya. Oo! Lagi nya kong pinababaonan ng lunch ngayon na siya mismo ang nagluto. Gusto ko pa sanang tumanggi dahil abala pa yun sa kanya pero syempre hindi ko na ginawa. Sarap nyang magluto eh!
"Oo naman po Zy ko..! Salamat dito!! Tataba talaga ko pag laging ganito na pinapabaonan mo ko!!" sabi ko pa habang ngising-ngisi sakanya.
"Mas mabuti nga yun!! Para kapag tumaba ka, wala na kong kaagaw sayo!!" sabi nya at pinisil pa yung ilong ko.
"Haizt!! Wala ka namang kaagaw eh!! Hehe labs na labs kaya kita!! Alam mo naman yun diba?? Hehe"
"Alam ko... sige na... .pumasok kana..." pagkasabi niyon ay tumalikod na sya. Eh?? Ulyanin na talaga to!! May nakalimutan nanaman! Tsk!
"Psst!" sitsit ko pa. Lumingon naman sya.
"Hm?"
"May nakalimutan ka!" sabi ko sa mahinang tinig pero sapat para marinig nya. Kinapa nya naman ang kanyang bulsa.
Nang matapos sya sa pagkapa ay bumaling sya saakin. "Ano? Andito naman ang susi ko." hay ang slow nya ngayon!! Ganyan ba talaga pag tumatanda?? Naku! Naku! Ang boyfriend ko!!
Naglakad ako palapit sakanya at saka ikinulong ang mukha nya sa pagitan ng dalawa kong kamay.
Tsup!
Mabilis ko syang hinalikan sa kanyang labi. Hehe. Kadalasan kasi sa pisngi lang kami nagkikiss pag nagpapaalaman dito sa school. Ewan ko ba! Parang feel kong ikiss sya sa lips ngayon eh! Pambayad ng lunch. "Ayan! Tsk! Ikaw talaga nagiging ulyanin ka na! Haha!" sabi ko sabay takbo paloob ng gate. Nilingon ko ulit sya para kumaway. Nakita ko pa ang pagngiti nya dahil sa ginawa ko.
BINABASA MO ANG
Age Doesn't Matter (ZyBer)
HumorAng pagmamahal basta na lang nararamdaman, kahit anong pilit mong pagpipigil minsan, matatalo ka lang, mahal mo eh! Minsan nga hindi mo pa alam na mahal mo na pala. Dapat nga bang pagbasehan ang edad o ang kinagawiang relasyon nyo kapag puso na ang...