ZELLE'S POV
Nagkakasiyahan kami habang nag-iinuman sila. Bumili kasi sina Klein at Reerie ng san mig kanina at may kasama pang ilang beer talaga. Kanina ko pa nga tinatry na tumikim pero hindi ako makatyempo.
Habang libang silang lahat sa pag-uusap ay tutok naman ang tingin ko sa isang boteng nasa ibabaw ng mesa. Pasimple kong ibinaba ang kamay ko para hindi nila makitang kinukuha ko iyon. Actually napansin ako ni Chabs at Ree pero dedma lang ang dalawa. Kumindat pa nga si Chabs sakin eh.
Lapad na ng ngiti ko ng malapit ko ng maabot ang bote. Todo ingat pa talaga ko sa paggalaw. "Aw!" daing ko ng may biglang tumampal sa kamay ko sabay may humawak naman sa boteng inaabot ko.
"Sinabi ng hindi pwede yan sayo." si Kuya Tanda. Siya yung tumampal sa kamay ko habang inaabot ko yung bote.
"I bought you softdrink, diba sabi mo coke lang sayo?" si Klein. Siya yung humawak sa boteng inaabot ko at tuluyan na nga nya yung nilayo sakin.
"Try lang naman eh..." nakanguso kong sambit. Naman kasi lahat sila nainom tapos ako coke?! Tikim lang naman eh. Si ate nga di ako pinagbabawalan!! "Isa lang please?.... Birthday ko kaya pagbigyan nyo ko!!!" nag please ako at the same time ay nagbanta sakanila.
"Zelle oh!" nang hindi sumagot ang dalawa ay inabutan agad ako ni Chabs ng isang boteng san mig. Waaahhh kulay blue!! Ganda ng color!! Pagkakuha ko sa bigay ni Chabs ay walang kagatol-gatol ko iyon nilagok. Hindi ko tinigilan hanggang sa kaya ko pang uminom.
Nang mangalahati na ko ay hindi na kinaya ng hininga ko kaya tinigil ko na. "Whew!" napangiwi ako dahil doon ko pa lang nalasahan ang mapait na lasa nya. Grrrr.
"Okay guyz!! Let's have some fun!!!" tuwang sabi ni Chabs kaya napatingin kaming lahat sakanya. Ano naman kayang fun pinagsasabi nito?! "Spin the bottle?? Then truth or dare?? Ano game??!" yung totoo? Haha walang sumagot. Ayoko din naman sa truth or dare eh! "Okay since walang sumagot ako na lang unang magspin ng bottle!" kita mo yan? Wala na ngang sumagot pinush pa rin ang trip nya?! Haha may tama na ata tong si Chabs eh! Kinuha ni Chabs ang isang empty bottle at inispin iyon. While spinning the bottle "One time lang per person okay? Kapag napatapat na sayo yung bote wether you like it or not kailangang pumili between truth and dare. Pag truth bawal ang sinungaling, pag dare naman bawal ang kj okay?! At kapag napatapat ulit sayo ang bote, excempted kana.! Isang beses lang para walang lugi." mga pauso nitong babaeng to weh.
Bakit ganun? wala namang umagree kay Chabs to play her suggested game pero lahat kami nakaabang kung kanino mapapatapat yung bote? Ba naman!!
"First spin goes to Knap!! Haha kampay mga kababayan!! Ang king of PMS and busangot na mukha!!" lagot na! Salubong tuloy ang kilay ni Knap at mukha ng banawe rice terraces ang noo sa sobrang pagkakunot. Eto namang si Reerie ayaw pang tumawa eh halata namang tawang tawa sa sinabi ni Chabs! Yung totoo? San natatawa si Reerie? Sa joke na Chabs? O sa mukha ni Knap? Ayee.... may something. "Okay Knap! Truth or dare?!" nakangising tanong ni Chabs. "Truth!" sagot ni Knap. "May puso ka ba?" tanong ni Chabs. "Yes!" as usual ay walang ganang sagot ni Knap. "Buti naman! Pero hindi yan ang tanong ko. Haha." Chabs. Lakas ng loob ni Chabs biruin si Knap noh? Haha katakot kaya yan! "Nainlove kana ba?" tanong ni Chabs. Yun ata yung pinakaquestion. "Yes!" tipid na sagot ni Knap at agad namang napaayos ng upo si Klein sabay gulat na napatingin sa kaibigan. "Really bro? Kanino?" hindi napigilang tanong ni Klein. Friends sila pero bakit parang walang alam si Klein sa lovelife ni Knap? Or ang alam nya is hindi pa talaga naiinlove si Knap? Ohw interesting! Baka same as Klein, mas prefer ang flirting kesa real love. "That's too much if I answer your question Klein!" si Knap. Ayan naubos na pasensya nya! Haha. "Tss! Whatever Knap!"
BINABASA MO ANG
Age Doesn't Matter (ZyBer)
HumorAng pagmamahal basta na lang nararamdaman, kahit anong pilit mong pagpipigil minsan, matatalo ka lang, mahal mo eh! Minsan nga hindi mo pa alam na mahal mo na pala. Dapat nga bang pagbasehan ang edad o ang kinagawiang relasyon nyo kapag puso na ang...