27. "FEELING WO--WHEW!"

3.3K 54 2
                                    

ZELLE'S POV

Maaga akong gumising at kagabi pa lang ay nagsabi na ko kay Ate na may pupuntahan akong isang dating kaibigan.

Tinanong nya kung saan ang lugar na pupuntahan ko, sabi ko naman ay malapit lang.

Nagsinungaling ako.

Malayo talaga ang pupuntahan ko.

Nang makababa ako ng dyip at mahanap ang lugar na nakasulat sa kapirasong papel na hawak ko ay parang nahilo ko.

Nahilo ko sa malalaking bahay na nasa paligid ko! (,--)

Tama ba tong address na bigay nya? Eh kasi naman mukhang sobrang yayaman ng mga nakatira dito sa lugar na to! Tapos hindi ko pa alam kung pano ko uumpisahan ang paghahanap sa bahay nya.

Huhuhu bakit ko ba naisipang puntahan sya?!

Habang iniisa-isa ko ang bahay para makita yung nasa address ay napapatingin ako sa mga taong nagjojogging. Grabe! Ang kikinis naman ng mga tao dito! Haha mukha silang mayayaman talaga!!

Nang makakita ako ng isang malapad na balikat at magandang likod na pawisan kaya bumakat doon ang magandang hubog ng kanyang katawan ay napahinto muna ko saglit sa paglalakad.

Drool! (O_______O)

 

Haha bakit ba ko nagkakaganito??!!. Likod pa lang yung nakikita ko pero feeling ko tutulo na yung laway ko. Huhuhu. Please ayoko pong maging manyak!

Hindi ko namalayang napapasunod na pala yung paa ko sa lalaking may magandang likod. Pasaway na paa to'! Mahiya ka naman sakin!!

Nang tumigil ang lalaki sa pagtakbo syempre napatigil din ako. At ng feeling ko ay lilingon sya ay agad akong nagtago sa isang puno. Huhuhu kakahiya baka isipin nya sinusundan ko sya. Baka isipin nya na sobrang nagagandahan ako sa body nya!! Hindi kaya!!

Hoo!

Akala ko ay pansin nya ang pagsunod ko kaya sya lumingon. Hehe nag-estretching lang pala! Nyahaha buti naman!

Eh?!

Kuya Tanda?!

Oh no!!

Bakit ganon? Pano naging si Kuya tanda ang makisig na lalaking may magandang katawan at tindig na pinagpapantasyahan ko??! Oh my gahd. Feeling ko nagstop sa pagbeat si heart.

Bakit kahit sya si kuya tanda sa paningin ko ay parang may kakaiba kong naramdaman bigla! Parang ibang tao sya ngayon? Parang hindi sya yung tandang tinatawag kong kuya.! Huhuhu bakit ang hot nya?!?!

Shet!

Paulit-ulit kong pinilig ang ulo ko para alisin ang mga tumatakbo sa isip ko. Napapikit pa ko ng bahagya dahil pakiramdam ko nag-iinit ang mga pisngi ko. At pakiramdam ko din ay...

Age Doesn't Matter (ZyBer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon