ZELLE'S POV
Bago matulog, pagkagising at maging sa pagpasok sa school ay hindi ko maitago ang pagngiti ko sa kawalan kapag naiisip ko ang mga nakaraang araw na magkasama kami ni Zy at nagkukulitan.
Ganito pala kasaya yun!
Dati ay takot pa kong aminin at tanggapin ito dahil akala ko ay hindi tama. Mabuti na lang at mas pinakinggan ko ang puso ko. Kaya ito... .sobrang saya ko kasama sya bilang mapagmahal kong boyfriend.
"Haynaku Chabs bantayan natin ng maige yang kaibigan mo... nawawala nanaman sa earth!! Lagi na lang nakatingin sa malayo tapos biglang ngingiti..." dinig kong sabi ni Reerie. Hinayaan ko lang dahil good vibes naman ako, mang-aasar lang yang mga yan!
"Hahaha parang ganyan ka din naman Reerie noong inlove ka pa!!" Chabs. Nagsalubong naman ang kilay ni Reerie dahil nilaglag sya ni Chabs.
"Umayos ka nga Chabs!! Baka ikaw dyan!!" Reerie. Naghihilaan na ng buhok ang dalawa pero alam kong nag-aasaran lang yan. Himala nga kasi iniexpect kong pagtutulungan nila ko na asarin.
"Hahaha tigil nga kayong dalawa... parehas naman kayo dyan weh!! para kayong mga bata!" sabi ko sa dalawa na natatawa.
"Hala Chabby!! Para daw tayong mga bata?? Totoo ba tong narinig ko??!" natigil ang dalawa sa pag-aasaran at takang tumingin saakin.
"Hala oo nga Reerie!!! Para daw tayong mga bata?? Eh siya kaya itong pinakaisip bata saatin??" as in takang taka ang mukha ng dalawa.
"Ano bang pinagsasabi nyo dyan?! Tara na nga!! Kagutom na." sabi ko at nauna ng naglakad papunta sa caf.
"Nagmamature na Chabby!"
"Baka dahil kay Kuya Ezzy?"
"Hehe oo nga! oo nga!"
"Kaya Chabby maghanap ka din ng mature na boyfie!"
"May Jobert na ko! Tsaka sipain ko kaya mukha mo? Kanina ka pa Chabby ng Chabby!!"
Usapan pa ng dalawa bago ako tuluyang makapasok ng caf.
Pagkapasok ko sa caf ay pumunta agad ako sa table kung saan kami madalas makaupo. Nilapag ko doon ang dala kong books at nagpunta na sa counter para umorder ng pagkain. Habang nasa pila ay narinig ko ang mga pamilyar na boses kaya napabaling ako doon sa may lamesa nila. "Astig mga pre!!! Ikakasal na daw ang kaibigan natin!" dinig kong sabi nu JC. Naipakilala na ni Miel sakin ang mga kaibigan nya dati. Kahit di ko sila gaanong nakabonding ay tanda ko pa rin naman ang mga mukha nila.
Sino kaya ang pinag-uusapan nilang kaibigan?
"Oo nga mga dude!! Sa tagal ba namang naging magsyota ng dalawang yun dapat lang na makasal sila... Sayang din kasi pag nagkataon!!" si Aaron. Tumalikod ako at tumingin na lang sa mga pagkaing pagpipilian ko para orderin. Pero kahit doon nakatingin ay hindi na maiwasan ng tenga ko ang makinig sa usapan ng mga kaibigan ni Miel lalo na at malapit ito sa kung nasaan ako.
BINABASA MO ANG
Age Doesn't Matter (ZyBer)
HumorAng pagmamahal basta na lang nararamdaman, kahit anong pilit mong pagpipigil minsan, matatalo ka lang, mahal mo eh! Minsan nga hindi mo pa alam na mahal mo na pala. Dapat nga bang pagbasehan ang edad o ang kinagawiang relasyon nyo kapag puso na ang...