96. "PAGDUDUDA"

2.3K 35 2
                                    

EZZY'S POV

Napatigil sa paghakbang si My Ber kaya nilingon ko siya. She looked pale. Tss!! "Hehe sorry... medyo kinakabahan lang..." sabi pa nya and it is very obvious na ganun nga ang nararamdaman nya.

"Bakit ka naman kinakabahan?? You're with me.." inangat ko pa ang mga kamay naming magkahawak. She looked at it and smiled. Nag enhale-exhale pa siya ng ilang beses then "Aja!" she said. Natuwa naman ako.

Hindi ko na kailangang magdoorbell pa sa labas ng bahay namin para pagbuksan nila ako ng gate. They're expecting me with her. I told my parents that I will bring Zelle today here and introduce to them.

May pag-aalinlangan pa sa mga mukha nila ng sabihin ko iyon, they're worrying about Gail. I can't blame them. Maging ako man ay nag-aalala kay Gail. Simula kasi kahapon ay hindi na siya nagparamdam. May kasalanan din naman ako dahil nakalimutan ko siya noong magkaharap na kami ni Zelle. Ni hindi ko nga namalayang umalis na pala siya. Medyo nakakguilty, alam kong may nararamdaman pa rin siya saakin. Mahalaga pa din naman siya sa puso ko, pero siguro hanggang doon na lang yun. Zelle occupied every space in my heart, she fills every part of it.

At ang isiping magkalayo kaming muli?? No way!! Hindi ko na kaya! At hindi na ko makakapayag pa.!!

"Ma.... Pa..." I said pagkapasok namin sa loob ng bahay. Nakatingin naman saamin ang dalawa. Nakaalalay si Mama kay Papa habang nasa wheelchair ito. Papa is totally fine, and I'm so thankful. Hindi pa siya ganoon kalakas but I know anytime soon ay mababawi din nya ang lakas nya at babalik sa dati.

"G-good morning po.. T-tita Nads... and Tito..." Zelle greeted my parents, she even bow her head. Tense nanaman siya.

"C'mon... maupo muna kayong dalawa..." sabi ni Mama. Inalalayan ko naman si Zelle na maupo sa sofa kaharap ng inuupuan ng mga magulang ko. Mama called Perly, iyong katiwala namin sa bahay na matagal ng naninilbihan sa parents ko. May ibinulong siya kay Perly, siguro pinaghahanda ng snacks para sa girlfriend ko.

Nang bumalik na ang atensyon ni Mama saamin, "Nakilala nyo na siya... pero gusto ko po sanang ipakilala ulit si Zelle sainyo Ma... and of course Pa... this is Zelle, my girlfriend..." bahagyang naramdaman ko ang paghigpit ng hawak nya sa kamay ko. I never let go of her hand, I know she'll be needing it now.

Bigla siyang bumitaw sa pagkakahawak ko sa kanya. Napatingin ako sa kanya at binigyan nya lang ako ng tipid ngunit matamis na ngiti. "Pasensya na po kung ngayon nyo lang ako nakilala..." sabi nya kina mama at papa. Hindi naman nya kailangang humingi ng pasensya dahil dito na halos talaga nakatira ang parents ko. Masyadong malayo ang canada sa pilipinas para magpakilala siya.

"Uh... n-no need to say that Zelle... at saka nagkakilala nanaman tayo..." maagap na sabi ni mama kay Zelle.

Napansin ko ang pananahimik ni papa. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan nya sa mga oras na ito.

Nang dumating si Perly ay may dala na siyang tray na may lamang juice at cupcakes na si mama mismo ang nagbake. "Try those Zelle, ako ang nagbake nyan..." nakangiting sabi ni mama, tumayo siya para sana abutan si Zelle pero pinigilan ko na siya at sinabi kong ako na lang.

Age Doesn't Matter (ZyBer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon