49. "MUCH PAINFUL"

2.7K 47 7
                                    

ZELLE'S POV

Kinahaponan pagkahatid saakin ni Kuya Tanda ay bumalik ako ng ospital para sana makausap ulit si Miel. Gusto ko syang makausap. Yun ang goal ko sa ngayon. Alam kong nag-aalala sila saakin pero nag-aalala pa din ako kay Miel, maayos na sya oo, pero kung hindi nya ko maalala...ibig sabihin lang ay hindi maayos ang naging epekto ng aksidente sa kanya.

At kasalanan ko yun. I'm sorry Miel.

Sabi kasi ng doktor ay pwede na daw ilabas ng ospital at iuwi sa bahay nila si Miel ngayong hapon kaya bumalik ako. Pagkadating ko doon sa ospital ay nakita ko kaagad na nakaalalay sa braso nya si Carla habang sa kabilang braso naman nya ay nakahawak ang mama nya.

Ang saya nila.

Hindi ko maiwasang mainggit sa tanawing nakikita ko dahil ang saya nilang tingnan habang papalabas ng ospital. Tila nagdalawang isip ako na lapitan sila dahil baka magdulot lang iyon ng gulo. Ayokong mangyari yun dahil natutuwa ako habang nakikita syang nakangiti after what happened.

Nang makasakay na sila sa isang kotse ay hindi ko alam kung bakit daglian din akong pumara ng taxi at pinasundan ang sasakyan nila.

Nang tumigil ang kotse kung saan lulan si Miel, Carla at mga magulang nito ay pinahinto ko na rin ang taxi na sinakyan ko sa banda kung saan hindi ito masyadong pansin.

Sa palagay ko ay bahay nila Miel iyon. Pinanuod kong alalayan ni Carla si Miel papasok ng bahay nila hanggang sa makapasok ito sa loob. Naiwan ang papa ni Miel para magsara ng gate nila, nagbakasakali akong baka pakitunguhan nya ko ng maayos at pagbigyan kapag humiling na makausap ang anak nila. Kumpara kasi sa mama ni Miel ay mas mahinahon itong papa nya pero dahil nga sa nangyari ay hindi nya rin ako kinakausap.

Bago pa nito maisara ang kanilang gate ay tumakbo na ako para subukan ang naisip. "Magandang hapon po." bati ko at natigil naman sa pagsasara ng gate ang papa ni Miel. Batid kong tanda nya ang mukha ko dahil na rin sa ekspresyong naroon sa mukha nya. "Pasensya na po sa abala... pero.. . .pupwede ko po bang makausap ang anak nyo..?"

Sa itsura nya ay parang nagdadalawang isip pa sya na sagutin ang pakiusap ko. "Pasensya ka na din hija... .pero kailangan ng magpahinga ni Amiel...."

"Kahit po sana ilang minuto lang.. ." bigla akong nanlumo ng maalalang hindi nya ko matandaan, hindi ako kilala ni Miel "baka po kasi kilala na nya ko, baka maalala na nya ko ngayon pag nagkausap na kami... sige na po... kahit saglit lang talaga..." sa reaksyon ng papa ni Miel ay para itong nabigla sa sinabi ko.

"Bakit hindi ka ba nya maala----"

"Roberto!" boses pa lang ay kilalang kilala ko na. Ang mama ni Miel. "Aba..... at talagang pati pala dito sa bahay namin ay nagawa mo pa rin kaming sundan..." napayuko agad ako sa sinabi nya ngunit hindi ko kailangang panghinaan ngayon ng loob.

Tumingin ako sa mama ni Miel "Kahit po ilang minuto lang... o kaya segundo lang po... pakiusap po... gusto ko lang makausap ang anak nyo..." heto nanaman ako at nagmamakaawa. Pero kahit ilang daang beses pa ata ang pagmamakaawang kailangan kong gawin mapapayag ko lang silang ipakiusap saakin si Miel ay gagawin ko.

Age Doesn't Matter (ZyBer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon