35. "HINDI KO MAINTINDIHAN"

3.1K 48 1
                                    

CASS'S POV

Nitong mga nakaraang araw ay pansin ko ang pagiging busy ni Zelle sa mga school works nya. Graduating na eh.

Dahil nga din ata sa pagiging busy nya ay nakalimutan na nyang paghandaan ang nalalapit nyang birthday. Nextweek na yun!!

Tapos pag di naman sya busy sa mga projects and reports nya ay busy naman sakanyang cellphone. Maya't maya ay tumutunog ang phone nya. Hindi ko nga masabi kung si Amiel lang ba ang tumatawag at nagtitext sakanya.

Dinig ko ang pagbukas ng pinto sa kwarto nya sabay iniluwa sya na nag-iinat pa. "Hwayyyyyyyyy...." hikab nya. Nagtungo sa may ref at kumuha ng juice.

"Oh tapos kana sa ginagawa mo?" tanong ko. Inubos nya muna ang juice bago ako tiningnan para sagutin.

"Oo te.. sa wakas!!" mukhang pagod ata talaga to' kakagawa sa mga paperworks nya.

"Nga pala!! Birthday mo na nextweek ah! Ano plano mo?" gulat syang napatingin saakin na tila ba hindi nya talaga alam iyon. Ngayon lang ata sya hindi masyadong naging excited sa birthday nya.

"Eh?! Ang bilis naman te?! Di nga? Birthday ko na talaga?!" see? hindi nya talaga alam na birthday na nya nextweek.! Samantalang dati ay one month before pa nababanggit na nya iyon saakin.

"Masyado ka ng busy sa lovelife mo.. .for the first time nakalimutan mong malapit na birthday mo.. haha" biro ko. Ngumuso naman agad sya at halatang nagpipigil ng ngiti.

"Hehe ate naman! Hindi kaya... hehe" sabi ko na eh! Kilig yan.!

"ZELLE!" dinig kong biglang sigaw sa labas ng bahay kaya dumungaw ako. Nasa likuran ko naman si Zelle na mukhang hindi na nabigla sa lalaking tumatawag sakanya.

Sino naman yan?

"Kilala ko yan te. Bagong kapitbahay.!" sabi nya. "Bro ni Kuya tanda!" bro? as in kapatid ni Z? Ilang araw na din pala naming kapitbahay sila Z pero hindi man lang sya nadadalaw dito saamin. Ni hindi man lang nga kami nagkakausap eh.

Sabi nya ay iiwas sya pero ngayon nasa mas malapit na lugar na sya.

Lumabas sya para harapin ang tao sa labas. Ilang minuto na silang nagtatagal sa pag-uusap kaya nagpasya akong lumabas na din at imbitahing pumasok sa loob ng bahay ang lalaki.

"Zelle papasukin mo muna yang bisita mo." sabi ko at ngumiti naman agad ang binata.

"YuuuuN!!! Haha bait naman ni Ate Cass!!" kilala nya ko? Pano? "Hehe sensya na po ate.! Sabi kasi ng kaibigan ko Cassandra daw ang pangalan ng kapatid ni Zelle.. .Para mas cool pakinggan Cass na lang ! Ay ate Cass pala! haha" ang hyper nya. Sino namang kaibigan?. Mana kay Z!! Pero mukhang dumoble ang isang to sa kakulitan!

Age Doesn't Matter (ZyBer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon