47. "KASALANAN KO"

2.6K 34 3
                                    

ZELLE'S POV

Hindi ko alam ang gagawin.

Masyado akong takot at masyadong kinakabahan. Masyadong nasasaktan. Balisa ako ng datnan nina Ree at Chabs. Ni hindi ko mahawakan si Miel na nakahandusay sa kalsada. Wala pang medic kaya walang naglalakas loob galawin sya dahil baka mapasama pa lalo pag nagkataon.

"Miel... Miel ... please lumaban ka... kaya mo yan.... parating na ang mga medic.... dadalhin ka namin sa ospital...." hindi magkumahog na sabi ko. Panay ang dalangin ko sa itaas na sana ay makayanan ni Meil ang nangyari. Hindi ko mapapatawad ang sarili pag may nangyaring hindi maganda. Sarado na ang kanyang mga mata at kitang kita ko ang dugo sa kanyang ulo at sa mga galos na natamo.

Kahit na batid kong hindi na nya ko naririnig ay panay pa rin ang salita ko. "Please Miel tatagan mo... kaya mo yan...." sabi ko sa gitna ng aking pag-iyak. Wala akong magawa. Pano ko ba sya matutulungan?

"Ayan na ang ambulansya." nabuhayan ako ng marinig ko ang sinabi ni Reerie. Tinaboy ko ang mga tao sa gilid para makadaan ng ayos ang mga nurse na bumaba galing doon sa ambulansyang may dalang stretcher.

Alam kong matapang ka Miel.... Alam kong kaya mo yan....

Nanginginig pa rin ako kahit na may ambulansya na ang dumating para sumaklolo kay Miel. Sumama ko at sumabay sa ambulansya papunta sa ospital. Hawak ko ang kamay ni Miel habang panay ang dalangin sa Panginoon na sana ay iligtas sya sa anumang kapahamakan.

Sorry kung pinagdudahan ko ang pagmamahal mo Miel... Sorry.....

REERIE'S POV

Nasa ospital na kami pero balisang balisa pa rin si Zelle. Walang patid ang pabalik balik nyang lakad mula sa may pintuan ng emergency room pabalik sa may amin ni Chabs.

Hindi sya nagsasalita at panay lang ang pisil nya sakanyang mga kamay.

He loves Zelle.

Akala namin ni Chabs ay hindi nya talaga minahal ang kaibigan namin. Pero nagkamali kami. Minahal nya siya, mahal na mahal.

The fact that Amiel saved her from the accident and took the risk of losing his own life for her... proves that he really loves her. There must be a valid reason why he suddenly changed and avoid Zelle.

Kitang-kita namin ni Chabs kung paanong sinikap ni Amiel na maitulak si Zelle para lang hindi ito mabunggo ng paparating na kotse. At kitang-kita rin namin kung paanong nabundol si Ameil ng sasakyang iyon.

Nakakagalit lang dahil hindi man lang tumigil ang driver noong kotse para sumaklolo. Bigla na lamang nitong pinaharurot ang sasakyan nya at tila ba wala syang nadisgrasyang tao.

Papaalis pa lang ng school ay pansin ko na ang pagsunod ni Amiel saamin. Sinabi ko ito kay Chabs pero hindi ko sinabi kay Zelle. Ayoko ng dagdagan pa ang lungkot na nadarama nya kaya inilihim ko na lang sakanya. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng biglaan nyang pag-iwas at naguguluhan ako dahil bakit kailangan pa nyang umaligid na para bang nagmamasid kung mas pinili naman nya ang lumayo.

Age Doesn't Matter (ZyBer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon