75. "MONTHSARY SURPRISE"

2K 36 3
                                    

EZZY'S POV

Hindi ako mapakali. I hope she'll like it, she'll like everything that I'd prepared.

Sana ay magustuhan nya ang lahat ng hinanda ko. Sana magustuhan nya ang lugar, ang decorations, ang setting ng table, ang pagkaing ako mismo ang nagluto at syempre ang surprise at gift ko para sakanya.

Everything were set according to plan. Salamat na din kay Knap. He's a great help para magawa ko ang lahat ng ito.

And one last favor that I asked him was to fetch Zelle from her school then drop her at their house. Let her prepare for an hour and drop her again to this place.

Napatayo ako sa pagkakaupo at napatingin sa wrist watch ko.

More than an hour had passed pero wala pa rin sila. Ganon ba sya katagal magbihis o magpaganda?? I don't want to rush her, siguro ay naiinip lang ako at nasasabik na makita sya at ang magiging reaksyon nya pag nakita nya itong lugar na ihinanda ko para sa date namin.

I'm willing to wait. Maghihintay ako kahit matagalan pa sya. Sigurado naman akong makakarating sya.

I dialled Knap's digits para itanong kung on the way na sila. Malapit lang naman kasi itong lugar mula sa lugar namin. Nakaramdam ako ng kaunting inis dahil hindi nya sinasagot ang tawag ko. I dialled his number once again pero ganon pa rin, he's not answering my call. What is happening?? Nakaramdam na ko ng kaba. Maybe I am over reacting, natetense lang talaga ko. Sa halip na idial ng paulit ulit ang phone number ni Knap ay nagtext na lang ako, expecting his reply kahit na isa lang.

Pero nainis na talaga ko. Kahit isa talagang reply sa message ko ay wala akong nareceive.

It's been two hours.  Naikot ko na yata ang buong lugar sa paglalakad para ibsan ang pangamba na baka hindi sya dumating or something had happened that causes the delay of their arrival.

I trust Knap. Alam kong madadala nya si Zelle dito ng safe. I'm just paranoid.! Yeah right!! OA lang talaga ko.

Kinalma ko ulit ang sarili at naupo. Maybe she's up to something to surprise me too, iyon na lang ang inisip ko to put away my worries. It's either may surprise sya sakin or tinitrip nanaman nya ko. Tss pasaway pa din talaga sya.!! Natawa ako.

More than two hours had passed. I thought kaya kong magtiis at hintayin na lang ang pagdating nya. Pero kinakain na ko ng pangamba. Para akong hindi mapakaling groom na naghihintay sa dulo ng aisle dahil wala pa ang kanyang bride, natatakot na takbuhan at basta na lang iwan. Nakakapraning na kasi talaga!! I don't know why I am even acting like this!! Monthsary date lang naman ito pero iba kung magreak ang damdamin ko.

Dinampot ko ang phone ko pagkatayo at nagpasyang pumunta sa bahay nila. Ako na lang siguro ang susundo sa kanya.

Paangkas na ko sa aking motor ng bigla ay may sasakyang umilaw. My car. Pumarada ito malapit saakin. Umayos ako sa pagkakatayo at hindi ko naitago ang biglang pagkakangiti.

At last!

They're here. She's here.!

Age Doesn't Matter (ZyBer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon