EZZY'S POV
Tsaka nasarapan din talaga ko!
Umalingawngaw sa tenga ko habang nilalaro ko ang baso na nakapatong sa mesa. Natigil ako sa ginagawa dahil sa sinabi ni Zelle.
Nasarapan?! Ibig sabihin kinain nya yung bigay ko?! Di nga?! Kinain nya talaga?! Pramis?! Tapos nasarapan pa sya?! Wuhoooo! Bigla akong natuwa sa sinabi nya. Inangat ko ang ulo ko para tingnan kung mukha nga syang nagsasabi ng totoo.
Nakatalikod?!
Haizt malamang! Nagliligpit sya ng pinagkainan namin eh! Dapat pala tumulong ako, nakakahiya naman! Pero sa totoo lang parang gusto ko lagi na lang ako makikain dito sakanila. Masarap kasing magluto si Zelle. Yung adobo nya masarap! Tapos masarap din yung gulay. At yung pritong isda ang pinakamasarap sa lahat !! Haha di joke lang. Masarap talaga lang halong biro.
Mukhang ang seryoso ni Zelle habang nagliligpit. Kasi wala man lang syang kaimik-imik. Di ako sanay na di maramdaman ng tenga ko yung bunganga nya! Tapos wala man lang linga-linga o lingon-lingon. Di naman kaya may stiff neck ang gurang?!
"Nuod muna tayo ng TV habang papatunaw pa..." si Cass na kasalukuyang nasa may harapan ko.
"Ah..o-oo sige sige!" sagot ko na lang at tumayo naman agad sya para pumunta sa sala. Hindi ko kasi matiis na di tingnan ang nakatalikod na naghuhugas ng plato na si Zelle! Baka kasi may stiff neck yan, masakit yun! Hirap kaya ang diretso lang ulo!! Di ko sya makukulit pag nagkataon!
"Po----tek!" mahina kong bulong sa sarili matapos masapo ang noo. Baka naman nagtatampo ang gurang na to? Di kaya? kasi naman di ko sya pinapansin kanina. Ilang beses din nyang sinubukang magpasalamat siguro pero dinedma ko lang. Naiinis kasi talaga ko sakanya matapos kong magpunta sa school nila. Nakita kong may order pa sya na lunch samanatalang may binigay naman akong pagkain para mabaon nya.
Akala ko talaga di nya yun kinain kasi bumili pa sya. Sa totoo lang sumama talaga loob ko sa akalang yun dahil ang saya-saya ko pa habang niluluto yung menudo na yun. Nakangiti pa nga ako at kumakanta habang hawak yung sandok. Tapos kinakausap ko pa yung emoticon nung dinidesign ko sya. Oh diba parang baliw lang? As in todo effort ko talaga!! Kahit naman sino diba pag nakita mong parang nabalewala lang effort mo kakasakit ng feeilings diba?! Diba? diba?!
Yun nga lang mukhang OA lang ako kanina.! Kasi sabi nya paborito daw nya yung menudo, tapos nasarapan daw sya, tapos sabi ni Cass simot daw yung baonan! Yari!! Nagdrama pa naman ako kanina!! Bakit kasi ang OA Ezzy!!!!!??????
Para sakanya talaga yung niluto ko dahil napag-isip kong kahit hindi pa kami ganun katagal magkakilala ay masasabi kong naging mas masaya ko nung maging tropa kami. Ewan kung tropa nga bang matatawag ang turingan namin. Basta alam ko lang parang ganun yun kahit na lagi kaming nag-aasaran, dahil yung asaran naman namin ay lagi ding nauuwi sa tawanan. Gusto kong ipagpasalamat yun dahil yung boring na buhay ko ay biglang naging masaya, at sigurado akong isa sya sa mga dahilan kung bakit nagkaganon.
Tapos kuya pa tawag nya sakin. Pag tinatawag nya kong kuya tanda parang nabubuhay ang tuwa sa sistema ko. Yung marinig ko pa lang ang salitang tanda natutuwa na ko kasi naalala ko sya at ang mga kalokohan naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Age Doesn't Matter (ZyBer)
HumorAng pagmamahal basta na lang nararamdaman, kahit anong pilit mong pagpipigil minsan, matatalo ka lang, mahal mo eh! Minsan nga hindi mo pa alam na mahal mo na pala. Dapat nga bang pagbasehan ang edad o ang kinagawiang relasyon nyo kapag puso na ang...