EZZY'S POV
Kapag sinabi nya na mahal nya ko, paniniwalaan ko yun. Kahit na medyo kumikirot ang puso ko dahil sa pinakita nya kahapon, ang mahalaga naging honest sya saakin at sinabi nya ang dahilan.
"Ready?" tanong ko sakanya pagkalabas nya ng bahay nila. Hindi sya kasing sigla kumpara noong mga nakaraang araw. Palagay ko ay ako din naman. Kahit kasi naniniwala akong ako na talaga ang mahal nya, hindi ko pa rin maiwasan ang magselos.
She smiled. "Hmm... tara." sabi nya at pinagbuksan ko na sya ng pinto. Pagkapasok nya ay umikot na ko para sumakay na din.
Habang nasa byahe ay seryoso lang siyang nakatingin sa labas ng bintana. Parang ang lalim ng iniisip. "Stressing na ba masyado sa school?" tanong ko. Mukha kasi syang puyat at halatang hindi talaga nakatulog ng maayos dahil sa pangangalumata ng kanyang mga mata. Batid kong hindi lang dahil sa school ang pagkakapuyat nya, ayaw ko na rin namang banggitin iyon dahil baka mas mastress pa sya kakaisip. Halata naman kasing apektado pa din sya.
"Ah..o-oo eh... Alam mo na... hmm graduating na din..." sagot nya. Binalik ko na lang ang paningin ko sa kalsada at tinuon ang atensyon sa pagdadrive.
Nakarating kami sa eskwelahan nila ng tahimik. "Take care My Ber.. . see you later..." sabi ko pagkahatid sakanya sa tapat ng gate nila.
"Ingat din sa pagdadrive Zy... ." sabi nya at ngumiti sabay tumalikod. Tiningnan ko sya habang papasok sa gate. Bigla syang napalingon ulit. "I love you Zy ko..." basa ko sa labi nya habang nakatuon ang mga mata saakin. Napangiti ako at sumagot ng "I love you so much My Ber..". Hindi man nya dinig iyon... alam kong nabasa nya din ang labi ko at ang nais kong iparating sakanya. Kumaway sya saakin at ganoon din ako bago nagbalik sa sasakyan.
Nang makauwi ako ay umupo muna ako sa sofa at sinandal ang ulo ko doon sa sandalan. Inisip at idinikdik sa aking kokote na dapat ay isantabi ko na lang itong selos na nararamdaman ko kapag nakikita kong apektado pa rin sya pagdating kay Amiel. Mahal nya ko. Iyon ang mahalaga.
Narinig kong biglang bumukas ang gate. Pagbaling ko doon sa may pinto ay nakita kong papasok si Klein. "Hindi ka pumasok?" salubong na tanong ko dito.
"Obviously?...." may bahid ng pagkasarkastikong sagot nya. Mapupungay ang kanyang mga mata pero ramdam ko ang pagkairita nya sa presensya ko. Lasing sya at halatang nambabae dahil may bahid pa lipstick sa may leeg nito.
He's worst than before.
Gusto ko syang sermonan at pagsabihan. Nagawa na nyang maging isang responsableng tao pero bakit ngayon ay naging mas malala pa sya kumpara sa dating siya.
At kung ano man ang pagbabagong nangyayari sakanya ngayon... sigurado akong ako ang dahilan. Kaya hindi ko magawang pagsabihan sya at pagalitan bilang nakakatandang pinsan. Dahil ako ang dahilan. Wala akong magawa. Mahal ko si Zelle, mahal siya ni Klein, at mahal ako ni Zelle. Hindi ko kayang isuko ang pagmamahal ko para sakanya dahil lang sa nasasaktan si Klein. Hindi ko kayang mawala siya lalo pa ngayong alam kong mahalaga din ako para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Age Doesn't Matter (ZyBer)
HumorAng pagmamahal basta na lang nararamdaman, kahit anong pilit mong pagpipigil minsan, matatalo ka lang, mahal mo eh! Minsan nga hindi mo pa alam na mahal mo na pala. Dapat nga bang pagbasehan ang edad o ang kinagawiang relasyon nyo kapag puso na ang...